Hepe at Pulis, Sugatan sa Boga ng Wanted; Suspek, Patay

SUGATAN ANG isang hepe at isang pulis matapos barili ng lalaking wanted sa Barangay Dakit, Barili, Cebu.

Kapwa nagtamo ng sugat sa balikat sina si Police Insp. Arvi Arbuis, hepe ng Barili Police at PO2 Pablito Caadlawon, matapos tambangan ng salarin na si Arley Satinitigan ng Barangay Poblacion lungsod ng Carcar.

Sinabi ni PO2 Richard Cababat ng Barili Police Station na nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen ukol sa isang armadong tao na umiinom ng alak sa tindahan na pinagmamay-ari ni Kapitan Elma Bargamento sa nasabing barangay.

Daling pinuntahan ng mga awtoridad ang naturang lugar at nagpakilala sa suspek ngunit kumuha ito ng granada at itinapon sa mga pulis ngunit hindi ito sumabog.

Bumunot din ng armas si Satinitigan at binaril ang pulis na nagtulak sa hepe na gumanti ng putok na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng salarin.

Samantala, napag-alaman na ang nasawing suspek ay wanted matapos barilin hanggang sa mapatay ang kapit-bahay nito na si Evelio Boy Flores noong 2005 at pinaniniwalaang nagtatago sa bayan ng Barili dahil sa nabanggit na kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.