Henry Sy, pinakamayaman pa rin sa ‘Pinas

ANG HALF Pinoy-half Chinese at business tycoon na si Henry  Sy ang nananatiling pinakamayamang tao sa Pilipinas, ayon sa Forbes Asia magazine.

Aabot sa higit $9.1 bilyon ang net worth ng may-ari ng SM Prime, na isa sa mga pinakamalaking mall developers sa bansa. Tumaas nang higit $1.9 bilyon ang kanyang kayamanan mula noong 2011.

Pumangalawa naman sa listahan ang may-ari ng flag carrier na Philippine Airlines (PAL) na si Lucio Tan. May net worth itong aabot sa higit P4.5 bilyon. Tumaas ito ng $1.9 bilyon sa net worth na naitala noong isang taon.

Pasok pa rin naman sa Top 10 richest Filipinos ang mga tycoon na sina John Gokongwei, David Consunji, George Ty at Jaime Zobel de Ayala.

Pasok din ang mga baguhang negosyanteng sina Lucio at Susan Co, na may-ari ng Puregold Price Club. Aabot sa higit $1.2 bilyon ang net worth ng mga ito.

Sa ngayon, pasok sa Top 40 richest in the Philippines si Senador Manny Villar, na may net worth na $720 milyon.

Gayundin ang mga big boss ng magkakalabang media firms na sina: Oscar Lopez, Gilberto Duavit, Menardo Jimenez, at Felipe Gozon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.