Henares, sabit sa pagsisinungaling – IBP

INIHAYAG NG Integrated Bar of the Philippines (IBP) na maaaring maharap sa contempt si Henares kaugnay sa testimoniya nito na umano’y hindi naghain ng kanyang income tax return (ITR) si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Nagbanta rin si IBP spokesperson Atty. Trixie Angeles na maaari ring maharap sa disbarment ang BIR commissioner kapag napatunayang nagsinungaling ito sa korte.

“The case may include violation of Code of Ethics, perjury and possible disbarment,” ani Angeles sa mga mamamahayag sa weekly Annabel’s news forum sa Quezon City.

Ayon naman kay defense panel spokesman Atty. Tranquil Salvador, na dumalo rin sa nasabing forum, hindi na umano sila interesado na papanagutin pa si Henares dahil posibleng magdulot lamang ito ng maling pang-unawa sa publiko.

Ayaw umano nilang lu-mabas na hina-harass nila ang mga testigo laban sa chief justice, paliwanag ni Salvador.

Sinabi pa ng abogado na sa ngayon ay mas pinagkakaabalahan umano nila ang mga ebidensiya na magpapatunay na inosente ang punong mahistrado sa lahat ng mga akusasyon laban dito.

Matatandaan na taliwas sa naging testimonya ni Henares, pinatunayan ni Araceli Bayuga, ang budget and disbursement officer ng Supreme Court na kumpleto ang ITR ng punong mahistrado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.