Helper, Pisat sa Bumaligtad na Sasakyan

HINDI NA umabot pang buhay sa pagamutan sa Bangar, La Union ang isang helper ng truck matapos madaganan nang bumaliktad ang sinasakyan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Rissing, Bangar, La Union.

Ang nasabing biktima ay si Dennis Arsa, tubong-Sto Niño, Parañaque City.

Base sa ulat, habang binabagtas ang kalsada patungo sa hilagang direksyon ay nakaidlip umano ang driver ng Isuzu elf, may plate # RJT-849, na si Rafael Borromeo Jr. 38-anyos, dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela.

Bumaliktad ang truck at nadaganan ang biktima na naging sanhi na rin ng kanyang pagkasawi.

Samantala, ang driver ng truck na nagtamo lang ng galos sa kaliwang kamay ay nasa kustodiya na ng Bangar Police Station.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.