Helper, Patay sa Bakod ng Mayor

PATAY ANG isang 25-anyos na lalaki matapos na aksidenteng mahulog sa ni-

lilinisang konkretong bakuran ng bahay ng alkalde sa Nueva Ecija kamakailan.

Kinilala ng mga kinauukulan ang nasawing biktima na si Albert Lambinicio, may-asawa, stay-in helper sa bahay ni Gapan City Mayor Christian Tinio.

Ayon kay Abe King Chiongson, 22, binata, kasamahang stay-in helper ng biktima, bandang alas-3 ng hapon, naglilinis umano sila sa mataas na konkretong bakuran nang bigla umanong madulas si  Lambinicio at nagdire-diretsong mahulog sa sahig.

Agad namang isinugod sa Good Samaritan Hospital ang biktima na idineklarang dead-on-arrival ng doktor.

Hindi naman umano ipasasailalim ng pamilya ng biktima sa awtopsiya ang labi dahil naniniwala silang walang foul play na naganap sa pagkamatay nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.