Helper, patay nang mabag-sakan ng estanteng bakal

PATAY ANG isang helper nang mag-collapse ang inililipat na bakal na lalagyan ng gamit sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Jesus Mondiego, nasa hustong gulang helper ng Gulayan, Catmon ng lungsod.

Sa pahayag ng mga kasamang sina George Masilang at Boy Dipasupil, alas-4 ng hapon, inililipat nila ng puwesto ang bakal na lalagayan ng gamit na may taas na 16 talampakan sa loob ng pinapasukan Trans Pacific Journey Fishing Corp. sa H. Lopez St., North Bay Boulevard South ng lungsod nang bumigay ito.

Inabot ang biktima at dahil sa bigat ng bakal ay halos madurog ang katawan na naging dahilan ng kamatayan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.