Helper na Pumalag sa Holdap, Kritikal sa Riding in Tandem

KRITIKAL SA pagamutan ang isang helper matapos itong pagsasaksakin ng dalawang holdaper na sakay ng isang motorsiklo nang tangkain ng una na tumakas sa panghoholdap ng mga ito sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sanhi ng mga tinamong saksak sa likod, leeg at braso ay nakilalang si Elmer Molina, Jr., 18, ng Nadurata St ., 6th Avenue ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Nadurata St., 6th Avenue.

Naglalakad pauwi ang biktima nang bigla na lamang itong hintuan ng motorsiklo na sinasakyan ng mga suspek at agad na nagdeklara ng holdap habang armado ng patalim.

Tinangka namang tumakbo ng biktima ngunit hinabol ito ng mga suspek at nang abutan ay agad na sinaksak sa likod at nang lumalaban pa rin si Molina ay magkakasunod na saksak pa ang ginawa rito ng mga holdaper.

Matapos ito, kinuha ng mga suspek ang wallet ng biktima na naglalaman ng P1,500 bago mabilis na nagsitakas sa hindi natukoy na direksiyon habang isinugod naman sa nabanggit na pagamutan si Molina.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.