Helper, Grabe sa Taga ng Mortal na Kaaway

NAKALAYLAY SA hukay ang isang paa ng isang helper makaraang pagtatagain ng kanyang mortal na kaaway habang ang biktima ay naglalakad pauwe sa kanyang bahay sa Caloocan CIty kahapon ng madaling-araw.

Patawirin ang buhay sa Pres. Diosdado Memorial Medical Center si Edgar Ablay, 47, walang asawa, helper at residente ng Kawal St., Purok 4, Brgy. 28 ng nabanggit na lunagsod.

Kaagad namang naa-resto ng mga nagrespondeng pulis at barangay tanod ang suspek na nakilalang si Esper Aragon, 34, binata, construction worker at naninirahan sa Block 62, Lot 4, Purok 4, Kawal St., Caloocan CIty.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, ang insidente ay naganap sa kahabaan ng Kawal St., Purok 4 dakong alas-12:30 ng umaga kahapon.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar papauwi sa kanyang bahay nang biglang dumating ang suspek na armado ng jungle bolo at kaagad na pinag-uundayan ng taga sa likod at braso ng biktima.

Duguang humandusay ang biktima sa kalsada habang ang suspek naman ay mabilis na tumakas dala-dala ang ginamit na bolo sa hindi nabatid na direksiyon.

Ilang residente sa nasabing lugar ang mabilis na nagdala sa biktima sa nasabing pagamutan kung saan ito ay binigyan ng mga doktor ng napa-kaliit na porsiyento para mabuhay.

Napag-alaman pa, sa simulat simula pa lamang, ang suspek at ang biktimang si Ablay ay mortal ng magkaaway, kung saan ang suspek ay nakakita ng magandang pagkakataon na isagawa ang kanyang balak sa biktima.

Nang magsagawa ng follow-up operation ang Caloocan PNP sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ay nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

(ROMAN MAGPOC) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.