Helen Gamboa, taray queen

“MEGA-TELESERYE QUEEN” na ngayon ang sigaw ng masa kay Madam Helen Gamboa dahil sa pambihirang galing na ipinakikita niya sa teleseryeng Tayong Dalawa.

“Kung minsan mahirap umiyak, Diyos ko! Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ‘yung luha ko, tapos ang sakit sa dibdib. Siyempre, feel na feel mo. Pagdating sa set, ako na si Elizabeth, kasi you have to live the character. ‘Sabi nga ni Mayor Singson ng Ilocos, I don’t accept more invitation during weekdays. I only accept invitation during weekends. I love your clothes, I love your bags, she’s very nice. ‘Yun kasing naipon ko sa maleta.”

“Hanggang July tatakbo ang Tayong Dalawa dahil sa taas ng ratings. “Naging close na kami, parang pamilya. Si Jake, Gerald, Kim, Agot, binibigyan ko ng tip si Agot para maging madamdamin ‘yung eksena namin. This coming week maganda ang twist ng story, little by little.”

Reaction ng mga anak ni Helen sa role na ginagampanan niya? “Ang pagtataray ko subdue, wala akong kinokopya. They are very happy about it. Sabi nga, this is really very different from the role you usually portray na palaging api. They watch, they like Jake, they like Gerald, they love everybody. Suprisingly pati ‘yung mga bata sa labas, they approach me, picture-picture. Tuwang-tuwa si Charo (Santos) sa taas ng ratings namin.”

“Sino nga pala ang nag-convince kay Madam Helen para tanggapin ang role sa Tayong Dalawa? Si Charo, she talk to Deo Edrinal dahil siya ang may hawak ng production. Siya na ‘yung in charge of everything. I was thankful to Charo, to Cory (Vidanes) and of course kay Deo. Ang galing talaga ni Deo, ang ganda ng ideas niya. When they talked to me, they talk to me in private, ako lang. They talk to me about this, markado ang role. Sinasabi nga nila, medyo mataray ‘yung role ko.

Noong birthday ko, tinatawagan ako ni Charo, sabi niya, ‘Happy birthday! Naniniwala ka na sa akin ngayon?’ Hahaha! Sabi nga nila, pare-pareho lang ‘yung role ko na pulos api na nasa squatter area na naka-daster. Sabi pa niya, ‘gusto ko namang makita kang glamorosa,’ hahaha!”

How do people react sa role mo na medyo mataray? “They accepted na ganoon, na natutuwa sila, they watch it. I’m so happy dahil wala pa akong nakasalubong na nega. They will approach me at sasabihin nilang gustung-gusto nila ‘yung role ko. Natutuwa ako kasi ‘yung mga nanonood dalang-dala sila. Minsan nga may tatawag sa akin umiiyak, hahaha!”

Bawat eksena ni Madam Helen, kapansin-pansin ang kanyang mga kasuotan na lalong nagpatingkad sa kanyang angking kagandahan. “Minsan sa isang taping, 18 clothes, minsan 20 plus, kaya ‘yung maleta kong na-save ko sa pagsa-shopping  nagamit ko. ‘Yung mga damit ko sa soap, akin ‘yun, mga naipon ko two years ago pa. You know, when I went to Europe namimili ako, naipon lang ‘yun na hindi sinasadya. Hindi ka aware na sa kabibiyahe mo, ‘yun pala may nilalaan si Lord for you.”

Masyadong memorable para kay Helen ang pelikulang Kailan Mahuhugasan Ang Kasalanan, kung saan nagkamit siya ng award for Best Actress. Alam mo, noong i-offer ni Lino Brocka sa akin ‘yun, may pananakot pa! Si Lino mismo, tinawagan ako sa telepono, ‘if you don’t do this you’re gonna regret it for the rest of your life.’ Diyos ko! Inistorya na niya sa akin sa telepono nang buong-buo, the script is on the way. Pagbaba niya ng telepono, nand’yan na ‘yung script, ganoon kabilis,” natutuwa niyang kuwento sa amin.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

9 thoughts on “Helen Gamboa, taray queen

  1. if dati ang pinaka star studded na fantaserye ay lastikman consisting of dawn zulueta,zsa-zsa padilla, cherie gil,john estrada,carmi martin, jomari yllana,vong navaro,tonton gutierez, ian veneracion and the queen of local tv and cinema Ms. Gloria Romero.

    ngayon nman ay nang teleseryeng Tayong dalawa, with Ms. helen gamboa, ms. Gina pareno, cherrie pie picache, agot isidro, mylene dizon,jodi sta. maria,alessandrs de rossi, jake, kim, gerald,coco martin, jiro manio, and the great Ms. anita linda!

    tpos paparating nman ang Dahil May Isang Ikaw. with Gabby Concepcion, John Estrada, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Karylle, Chin Chin Gutierrez, Sid Lucero and Ms. lorna tolentino.

    WOW!
    only ABS-CBN can put the best artists in one show!
    just to entertain the Filipino people ganyan magmahal ang KAPAMILYA!

  2. sayang last nyt lng punanaw na c elizabeth!
    i will miss Mrs. Elizabeth Martinez ang nanay ni Ingrid Garcia!

    Ms. Helen Gamboa and Ms. Agot Isidro do have a very good tandem!

  3. grabe sa ganda at gagaling ng cast nito…lahat sila markado ang role, kahit na si alex na dati di pansin eh napansin na dito!! cute pati si coco martin…good thing tinanggap ni Helen ito at sana madami pang iba :-) next time kasama si connie reyes, galing siguro

  4. ang galing ng teleseryeng ito,galing ng mga artista at ang writer sobrang galing! kaabang abang ang mga eksena!

  5. Matary naman c sa tayong Dlawa pero may puso parin hindi sya mamamatay tao. I like her role kc elegance sya mayaman na sobrang sosyal na sosyal Diba Mamita……

    Tayong Dalawa Rockssssssssss. Tinadyakan nila yung babae kaya hangngan 2months lang sila,ehehehhhhhhhhhhhhh ngengegeekkkkkkkkkkk.

    Basta ang galing nila ni Ms. Agot Cherry Pie, & Ms Gima Pareno….. Mamita vs Lola Gets…………. Ingrid na may tililing vs marlen na jologs,,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.