Heaven na masaya naman ang anak na si Luis Manzano, pero… Gov. Vilma Santos-Recto, nami-miss din si Angel Locsin!

NARITO NA NGA sa Pilipinas si Gov. Vilma Santos-Recto, pero hindi pa niya muling maharap ang pagpapatuloy niya ng shooting ng kanyang nasimulang pelikulang The Healing sa Star Cinema, dahil tutok ang panahon niya ngayon sa magaganap na Foundation Day ng Batangas na ang selebrasyon ay magsisimula sa December 1 at magtatapos ng December 8, 2011. Pero ang ibang eksena raw ng nasabing pelikula ay kinukunan na ngayon, katulad ng mga eksena ni Kim Chiu.

Isang malaking katuwaan ngayon para kay Ate Vi ang pangyayari na sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano ay umamin na tungkol sa kanilang relasyon. Bago pa naman daw umamin ang dalawa ay may alam na rin naman siya bilang mommy ni Luis tungkol sa gumaganda nilang pagti-tinginan. “Ina ako, kaya alam ko iyon. Kaya lang, alangan namang pangunahan ko sila, dahil gusto rin naman muna siyempre nilang makatiyak sa kanilang mga nararamdaman bago umamin,” wika ng Star for all Seasons.

Naapektuhan din naman si Governor Vi nu’ng mga panahong nahihirapan pa si Luis tungkol sa epekto ng naging paghihiwalay nila noon ng kanyang ex-girlfriend na si Angel Locsin. Lumalapit daw at nagsasalita sa kanya ang anak nila ni Edu Manzano kapag malalim ang mga problema. “Sa ganu’ng pagkakataon, narito lang naman ako lagi bilang mommy niya. Magaling magdala ng problema si Luis. Pero ‘pag malungkot ‘yan, dumadaing ‘yan sa akin. Kaya heaven para sa akin ngayon na happy na naman ang anak ko. Si Angel, nami-miss ko rin siyempre siya,” banggit pa ni Ate Vi.

 

NAHIHIWAGAAN ANG MARAMI kung bakit pinayagan ng ABS-CBN na buong laya, magsalita si KC Concepcion ng tungkol sa hiwalayan nila ni Piolo Pascual. Hindi lang durog, kundi wasak na wasak ngayon ang pagkatao ni Piolo dahil sa kinalabasan ng kontrobersiyal na mga pahayag ni KC tungkol sa mga hindi niya maidetalyeng dahilan ng kanilang naunsiyaming relasyon.  Dati-rati kasi ay mayroong pagprotekta na ginagawa ang Star Magic na nangangalaga sa career ng mga sikat nilang artista, katulad na lamang ni Piolo kapag may mga naglalabasang intriga tungkol sa kanila.

Hindi na raw ba mahal ng ABS si Piolo? Naglalabasan tuloy ngayon ang mga haka-haka, na baka nga si Piolo ‘yung naba-blind item na isang hunk actor ng Kapamilya Network na lilipat sa bakuran ng TV5! May punto rin naman ang paniniwala, na hindi na dapat pang harangan si KC sa anumang dapat niyang sabihin, dahil hiwalay na nga sila ni Piolo, kaya ang kasunod na noon ay ang kanyang paliwanag kung bakit humantong sila sa hiwalayan.

Ang nakakalungkot lang ngayon sa kinalabasan ng mga pagsisiwalat ni KC, kahit hindi niya sinasadya ay lumalatay ngayon sa pagkatao ni Piolo ang mga nakakabitin niyang salita tungkol sa hindi niya maibulalas na eksaktong dahilan ng hindi na nila napagkakasunduan. Ang resulta:  Muli na namang sumambulat ang pangunguwestiyon tungkol sa gender ng sikat na aktor. Makahulugan ang katatawanang tsika ngayon sa showbiz, na baka raw si KC ay maging close kay Carmina Villaroel na dumanas ng malungkot na pakikipaghiwalay sa unang lalaking kanyang pinakasalan.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Heaven na masaya naman ang anak na si Luis Manzano, pero… Gov. Vilma Santos-Recto, nami-miss din si Angel Locsin!

  1. Siguro nga nagbabalak lumipat ni Piolo sa TV5 kaya pinabayaan ng ABS na siraan siya ni KC sa national tv. Wasak na wasak ang pagkatao ni Piolo sa interview ni KC.

Leave a Reply

Your email address will not be published.