Heart Evangelista, walang utang na loob?!

NAKAKALOKA ITONG SI Bela Padilla. Parang gusto nitong buhayin muli ang issue sa kanila ni Marian Rivera. Dapat daw kasi ay guest si Bela sa “Behind The Wall” segment ng Showbiz Central. Umokey raw ito sa kanyang appearance sa nasabing showbiz talk show ng GMA-7.

Okay na ang lahat, pero may special request daw si Bela. Gusto niyang pag-usapan ang naging away nila ni Marianita. Siyempre, hindi pumayag ang executive producer ng Showbiz Central. Bakit nga naman bubuhayin pa ang isyung matagal nang patay.

At dahil hindi napagbigyan ay bigla na lang daw nag-backout si Bela sa nasabing TV guesting.

Totoo ba ito, Bela?

Kung totoo ito, aba’y nakakaloka naman itong si Bela. Noong una, ayaw niyang magsalita tungkol sa away nila ni Marian. Paiwas ang kanyang mga sagot. Ngayon naman, gusto niyang buhaying muli ang issue sa kanila ni Darnita.

FIRST AND LAST time na ni Iza Calzado na mag-two piece sa isang TV show. Sinabi ng aktres na hindi niya talaga carry ang magsuot ng swimsuit sa Beauty Queen. Talagang hindi siya kumportable.

“Ayoko nang ulitin uli. Ayoko na. Nagawa ko na. Siguro hindi rin talaga ko ganoon kakumpotrable. Pero masaya naman po na nabigyan ako ng pagkakataon na nagawa ko,” sabi ng reluctant beauty queen.

Minsan naisip na rin niyang sumali sa beauty contests. “Siguro noong grade school ako pero noong nag-umpisa na akong mag-gain ng weight, hindi ko na siya inisip. Kahit nalungkot ako, lalong hindi inisip. Masaya na lang ako.”

Actually, ang madir niya ang nangangarap na maging beauty queen siya. “Pangarap siya ng nanay ko na hindi niya nagawa kasi she’s (only) 5’1”. She’s very short and she wanted me to be a beauty queen which did not happen, did not

materialized. It’s just amazing that now I’m given a chance to portray a character that mom always dreamed I would become, hoped that I would become one day.”

MABILIS NA SUMAGOT si Heart Evangelista sa mga patutsada sa kanya ng manager niyang si Annabelle Rama nang magpa-presscon ito.

Itinodo ni Tita Annabelle ang kanyang sama ng loob kay Heart dahil wala na palang balak ang madir ng aktres na mag-renew ng kontrata. Nanghihinayang daw ang mother ni Heart sa komisyon na nakukuha ng madir ni Ruffa Gutierrez.

“Contracts are made to end and not renewing is something the other party isn’t happy about. My family has always managed my career and there’s nothing wrong with that. I will always be grateful to everyone that helped along the way. No need for bad words! :) have a kitkat.)”. ‘Yan ang sagot ni Heart sa mga sinabi ni Tita Annabelle sa kanyang presscon.

“Pinakamalaking suweldo, pinakamalaking kontratang nakuha ko sa GMA-7, pinakamalaking trabaho ang nakuha ko para sa kanya, hindi pa sila satisfied. Naloloka ang byuti ko!” tsika ni Tita Annabelle.

“Nakuha ko ‘yung kontrata, ‘yung new contract. Kinuha sa akin ng nanay niya ‘yung kontrata niya for another 3 years. Napakalaki ng kontratra. Naduling yata ang nanay sa kababasa. The next day, ‘Ayaw ko nang mag-renew. Hanggang 3 years lang tayo!’ Samantalang two years pa lang kami!” sunud-sunod na litany ng madir ni Raymond Gutierrez.

Tsika pa ni Tita Annabelle, nanghihinayang sa komisyon ang nanay ni Heart. “Nakita lang ‘yung kontrata, na-preview doon sa GMA-7, siguro nahilu-hilo sa mga figure sa kontratang nakuha ko. The next day, ‘Puwede bang ako ang mag-manage ng anak ko? Kasi, kailangan kong tulungan ang sarili namin. Sayang naman ‘yung 30% na nakukuha mo.”

“Mula nang lumipat siya sa GMA-7, hindi niya natikman sa kabilang istasyon (ABS-CBN), not even ¼ ng nakuha kong kontrata sa GMA. Ngayon lang siya sa buhay niya nakatakim ng ganu’ng klaseng suweldo dahil sa akin. Pero yumabang naman sila dahil gusto ng nanay, siya na ang magma-manage.”

Malaki ang nagawa ni Tita Annabelle sa career ni Heart. Palaos na ito nang kanyang kinuha at muling pinasikat kaya naman sana ay tumanaw ng utang na loob ang aktres.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleGrupo ng teenstars, inaabot ng madaling-araw sa inuman!
Next articleDaily program ng TV personality, maagang masisibak?!

No posts to display