Heart Evangelista, wala nang feelings kay Jericho Rosales – Ronnie Carrasco

TINATAYANG” DISI” AS in anywhere between disisais and sisinuwebe ang guwapong boylet na nasa studio ng isang TV station.

May mahalaga kasing okasyon nu’ng araw na iyon, hence ang makatawag-pansin na presensiya ng binatilyo who can pass for an artista in fairness, sa kanyang itsura.

Ilang sandal, hiningan ng mensahe ang poging bagets patungkol sa okasyon in honor of a male celebrity. Buong paggalang nitong tinawag na “tatay” ang pakay ng kanyang pagpunta.

“Papa” pala ng bagets ang celebrity na ‘yon.

[ad#post-ad-box]

PASADO HATINGGABI NU’NG lumusob sa kanyang condo unit ang ama ni Heart Evangelista, tulog na tulog ng mga sandaling iyon ang hapung-hapong aktres buhat sa kanyang taping and all.

Ang kasambahay ni Heart ang siyang nabungaran ng ama, ninenerbiyos pang kinatok si Heart sa pintuan nito dahil sa di-inaasahang pagdating ni Ginoong Evangelista sa dis-oras ng gabi.

Nataranta naman daw si Heart, hindi naman kasi pangkaraniwan ‘yung kalampagin siya ninuman sa kanyang pamilya maliban na lang kung may pangyayari na ‘ika nga’y matter of life and death.

“Bad news, Heart!” Ito raw agad ang bungad ng ama sa noo’y mahimbing nang naglalakbay sa dreamland na aktres.

Pero eklat lang pala ‘yon ng kanyang papa (not to be mistaken for my previous item, huh!). sumugod lang daw ito upang ipaalam kay Heart na siya ang itinanghal na Best Actress sa FAMAS…yes, pang-FAMAS din ang acting ng fadir ni Heart!

Heart clinched the Best Actress plum for her portrayal as a village teacher in the indie film Ay Ayeng. Sometime in 2006 daw nu’ng gawin ni Heart ang naturang pelikula, about the same time she and Jericho Rosales had a stormy relationship.

Speaking of Jericho, kaagad daw nag-text sa kanya ang actor to congratulate her. “Saludo ako sa ‘yo,” was part of Heart’s ex-boyfriend’s text message.

Pero ani Heart, hanggang du’n na lang ‘yon: Jericho’s congratulatory words didn’t bring back memories of yore.

SA WAKAS, NATULOY na rin ang long-overdue promise ni Kris Aquino na magpaunlak ng interbyu kay Ricky Lo sa Startalk, not just the daughter of an ex-president kundi ka-join din ang kuya nitong si Noynoy.

Isa lang po ito sa dapat abangang segment ng Startalk bukas as it notches its 14th year. Sa mga nakalimot na, Kris was one of  Startalk’s three original hosts until she moved to ABS-CBN, her first home, after all.

Hindi po ako nakasama sa nai-tape nang interview sa magkapatid but based on Kris’s former co-workers in Startalk ay magiliw naman ang TV host-actress. Natural, she’s up to something else, ‘no! need I say more?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

14 thoughts on “Heart Evangelista, wala nang feelings kay Jericho Rosales – Ronnie Carrasco

  1. naku, naman hindi naman siya malandi, kung malandi si heart di dapat pinatos na niya yong mga nagkakagusto sa kanya…ano kaya yon, eh yong iba diyan mukhang inosente pero sila pala yong may baho na tinatago…bago ka magsabi sa kapwa mo ng ganyan istimahin mo muna yang sarili mo….

  2. ANG NASA BLIND ITEM AY YUNG DISISAIS NA DYOWA NI KUYA GERMS. KASAMA ANG BOYLET SA PATIENT X NA NAGPROMOTE KAMAKAILAN SA ISANG TV TOKSHO.

    GRABE SI KUYA GERMS, PWEDENG SAMPAHAN NG STATUTORY RAPE. MAHIGIT 70 NA PERO AKTIBO PA RIN ANG BIBIG AT PWET NG MATANDANG TO.

    BUTI SANA KUNG NASA TAMANG GULANG NA ANG BOYLET. HINDI EH! MINOR SYA.
    KAWAWA NAMAN. BAKA MATULAD YUN KAY MON ALVIR NA NAG-DROGA DAHIL SA PAMBABABOY NI GERMAN MORENO.

    • talaga c kuya germs yan, naku isa sa mga ipokrito ng showbiz mukhang tao sa harap ng camera off cam ang haba ng sungay ok lang sana manghada coz nature na karamihan ng gay yan but nman menor de edad tpos halos lolo na ewwww kung kelan tumanda kaya cguro npupurdoy na, dapat kuya germs wala ng gisingan…

  3. ANG NASA BLIND ITEM AY YUNG DISISAIS NA DYOWA NI KUYA GERMS. KASAMA ANG BOYLET SA PATIENT X NA NAGPROMOTE KAMAKAILAN SA ISANG TV TOKSHO.

    GRABE SI KUYA GERMS, PWEDENG SAMPAHAN NG STATUTORY RAPE. MAHIGIT 70 NA PERO AKTIBO PA RIN ANG BIBIG AT PWET NG MATANDANG TO.

    BUTI SANA KUNG NASA TAMANG GULANG NA ANG BOYLET. HINDI EH! MINOR SYA.
    KAWAWA NAMAN. BAKA MATULAD YUN KAY MON ALVIN NA NAG-DROGA DAHIL SA PAMBABABOY NI GERMAN MORENO.

  4. kahit anong gawin mong gimik di kana babalikan ni echo. tahimik na siya kaya wag mo na syang gamitin… mag pakasarap na lang kau ng syota mong bano!!!! malandi!!!!!

  5. Ginagamit na naman si Jericho, dun ka na sa bulok na network mo!

    Magsama kayo ng mga sardinas dyan hahahhaa

  6. Please lang wag nang gamitin pa si Echo. Bumabalik na ulit ang career ni Echo. Galing ni Attorney 1.

    Makuntetnto na lang siya sa GMA.

    • to heart, binabalikan ka ba ni jericho kasi panay publicity story ayaw mo na kay echo, di ka na babalik sa kanya, atbp.
      di ba may bago kang suitor, ito na lang gawan mo ng gimik.

  7. naplastikan kasi si ronnie kay kris pero siya rin plastik din naman pala! sipsip pa kay boy abunda si ronnie! sa sobrang kaOAhan ni ronnie nakikisawsaw pag may issue ang pinakamamahal niyang kaibigang si boy!

    • parang di mo kilala si ronnie, galit siya kay kris kasi kahit magpapansin, di siya pinapansin ni kris.. di ba ronnie, love begets love. if you have a good heart, let it go. malay mo maging malapit ka pa kay kris.

Leave a Reply

Your email address will not be published.