Heart Evangelista, tuluyan nang humiwalay sa mga magulang!

NAKABILI NA raw si Heart Evangelista ng kanyang sariling apartment, mula sa kanyang kinita sa kanyang mga endorsements. Ayon pa kay Heart, ito na ang magsisilbing hudyat ng kanyang pagiging fully independent dahil dito raw sa bago niyang tahanan ay siya raw mismo ang namamalengke, namimili ng tangke ng gas at iba pang mga gawaing bahay.

Saad pa niya sa Balitanghali ng GMA News TV last Friday, July 5, “My very own, on the ground not in a condominium, on the floor, I have my own garden, I have everything I ever wanted.”

Dati raw ay sa condominium nakatira sa Heart, ilang floors lamang ang pagitan sa tinitirhan naman ng kanyang mga magulang.

Masaya raw siya ngayon dahil malaki daw ang naitulong ng kanyang boyfriend na si Senator Chiz Escudero pagdating sa pagtayo ng mga sariling paa. Pero ngiti lang ang tugon nito kung plano na nga ba nilang lumagay sa tahimik.

Dagdag pa ni Heart, “Oo nga marami ang nagtatanong kung ikakasal na nga ba si Heart, oh no, not yet, in this relationship, of course siguro, I hope that it will get into that, but I’m not in a rush. Like what I’ve said, I have so much to do, naghahabol ako ng oras na magawa lahat ang mga gusto kong gawin dati pa.”

Hanggang ngayon daw, hindi pa rin sila nag-uusap ng kanyang mga magulang, pero ayon pa sa actress ay maayos naman daw ang relasyon nilang magkakapatid.

Kuwento pa ni Heart, labis daw ang pagka-miss niya sa kanyang amang si Rey Ongpauco. Saad pa niya, “I missed my dad so much, I miss him. It’s almost his birthday and you know I’m sure in time, with prayers and everything, something will spark in his mind, you know and I’m sure that he misses me too.”

“So I’m very confident with the love that I have for my dad and the love that he has for me, may eventually,  he will look  for me, and he would not want to waste any more time of our lives to be apart.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “Heart Evangelista, tuluyan nang humiwalay sa mga magulang!

  1. ano kaya ang ipinakain ni chiz sa babaeng ito at patay na patay sa kanya? hmmm…sandamukal na keso? hakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.