Heart Evangelista, to wait next project at GMA

NAKAPAG-USAP NA AT nakipag-ayos ang mga magulang ni Heart Evangelista sa mismong Presidente at CEO ng GMA 7 network na si Atty. Felipe L. Gozon noong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa nakarating sa aming e-mail advisory, nagulat diumano ang mga magulang ng aktres na sina Mr. and Mrs. Rey Ongpauco, kaya humingi muna ang mga ito ng dispensa sa gulong nangyari sa pagitan ng network at nina Heart. Tumatayo rin palang manager ng aktres ang ama nito kaya’t (Primary manager) kaya nila itong i-represent kahit wala si Tita Annabelle Rama.

Kararating lamang diumano ng mag-asawa sa abroad at kahit nakatanggap sila ng legal letter mula sa GMA 7, hindi daw sila aware at wala din silang nalalaman sa liham naman na ipinadala ng Rivera Santos & Maranan Law Offices, hinggil sa mga hinaing diumano ng anak nila.

Sa maikling paliwanagan, nagkaayos ang magkabilang panig lalo pa’t naipaliwanag ni Atty. Gozon (and we quote) “that the network is in the business of producing shows and hiring talents to perform in (these) shows, and that the GMA Network abides by their contracts and it carefully assigns shows to its talents. Concerns regarding roles, delineation of characters, story executions and the like should carefully be discussed among the parties involved.”

Pinanindigan ng network na pinalitan na nila si Heart sa dapat sanang project nitong nakatakdang gawin, at dahil dito pansamantala itong maghihintay. May title-project naman agad na ibinalita ang network at ito nga ‘yung, Ngayon at Kailanman.

Kung kailan man ‘yun magsisimula, iyan ang ating aabangan. Ngayon, ano kaya ang masasabi ni Tita Annabelle Rama sa development na ito?

Sa wakas naman ay mabibigyan na ng pagkakataon na makapagbida sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Sila na nga ang bagong tambalang bibigyan ng mapanghamong papel sa Sinenovela Presents ng GMA 7, ang Dapat ka Bang Mahalin?

Favorite namin ang movie version nito nina Sharon at Gabby, lalo na ‘yung mga awayan dito nina Sharon, Gabby at kontrabidang si Chanda Romero.

Sa TV version, si Ara Mina ang magiging karibal ni Kris kay Aljur. Napakagandang break ito para sa dalawang young stars. Wish natin sila ng goodluck lalo pa’t sa March 2 na ito magsisimula.

Speaking of Ara Mina, dahil kababalik pa lang niya sa GMA, kuntento na muna ito sa mga roles na medyo matatawag nating hindi naman siya talaga ang lead.

Sa nagsimulang Totoy Bato, gumaganap siya bilang asawa ni Robin Padilla na agad ding mamatay ang karakter. Pero dahil aktres naman si Ara, titiyakin nitong magmamarka siya sa mga manonood.

At sa nabanggit ngang TV team-up nina Aljur at Kris, isang mayamang biyuda ang kanyang gagampanan na maiinvolve sa batang si Aljur.

Kung magiging faithful sa kuwento ang Dapat Ka Bang Mahalin, may mga ‘mature scenes’ sina Aljur at Ara na maaaring ikagulat ng ilan, lalo pa’t very vocal ang batang aktor sa pagsasabing dati pa niyang iniilusyon ang dating sexy actress.

Maganda ang katawan ngayon ni Aljur, isang katangian na laging tinataglay ng mga dating boyfriend ni Ara. Bukod pa siyempre ‘yung pagiging pogi nito, matangkad at bata!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.