Heart Evangelista, sanay na sa pagiging api-apihan!

NANG MAKAUSAP namin si Heart Evangelista ikinuwento nitong masaya siya sa bakuran ng GMA-7 dahil sunud-sunod ang project na ibinibigay sa kanya. Kasama sa pinirmahan niyang kontrata ang Legacy. Sa nasabing drama series tatlo silang bida nina Lovi Poe at Alessandra de Rossi.

Okay lang kaya kay Heart na hindi lang siya ang nasa title role?

“It’s actually okay because I really don’t care who’s famous or who’s what ? I just really want to work and I really love what I am doing so, okay na sa akin kung anuman. And you know of course, Lovi is my goodfriend so, she’s doing well now. It’s so nice to be part whatever she’s doing as well, you know. We all complement each other lang, masaya na ako du’n.”

Mapagbigay at palaging umuunawa ang papel na ginagampanan dito ni Heart as Diana Calcetas. Maging sa totoong buhay sinasabing api-apihan siya. Kailan kaya darating ‘yung time na magiging palaban na ang young actress?

“Oo nga pero okay lang. Actually, iniisip ko na rin minsan. There’s a time when your life… darating lang ‘yan. Nasa stage ako ngayon na I just want to calm down, you know. I just want to work and live life. Ayaw kong masyadong lumaban. One day, you realize that something happen, next time I don’t have to put my foot down today so, not yet now. Okay pa naman ang lahat. I’m not saying anything… if one doesn’t wanna fight, there’s no fight so, I don’t wanna fight. I’m okay, I’m the type that I’ve done it before. I acknowledged, they don’t want and their not ready, I did it! I can sleep well at night.”

Hindi naging maganda ang year 2011 para kay Heart. Naging controversial ang paghihiwalay nila ng dating manager na si Annabelle Rama. Masasakit na salita ang binitawan ni Bisaya laban sa dalaga pero nanahimik na lang ito.

“One thing that I want you to know is I’ve always been thankful and everybody knows that Tita Annabelle, when she’s not angry, she really is a wonderful person and I really saw that. You know, the other day, I was watching “Full House”, naalala ko si Richard (Gutierrez). I really, really am greatful from the bottom of my heart. It just got out of hand.

“Alam mo, ‘yung wala kang magagawa? That’s why I remained quiet. We all remained quiet but we just wanna let her know, especially me. I support her up to this day. I’ll always be willing if she want me to come over. I will come over, ‘cause I’m really grateful. I will never forget what she has done for me.”

Nang dahil sa mga ne-gative write-up na naglabasan kay Heart, natuto itong magpakumbaba.

“Keep your head down and try not to step on anybody’s toes. Although sometimes kasi, you’re in a situation that you have to survive. “’Yun nga, just remain humble even if you’re trying to fight what is right. Don’t be to aggressive! And continue to be that way ‘coz I am really happy person.”

Mainit ding pinag-usapan ang hindi pagkakaunawaan nila ni Marian Rivera. Para kay Heart, gusto na niyang magkaayos sila ng dyowa ni Dingdong Dantes.

“I really did. Okay sa akin, I saw her one time, I bowed my head and smiled. But maybe I respect that she’s not yet ready. Okay lang, it’s over na, parang nangyari na. At saka daming problema sa buhay, life itself has so many problem in her personal life. Why will I have to add this on to the weight you carry everyday? Just work, work… you get to pay your bills. You get to do whatever you want with the money. You get to do what you love.”

Okay lang kaya kay Heart na makatrabaho uli si Marian.

“Yeah, but I don’t think it will happen. I don’t mind, we’re on the same place, every Sunday we see…”

‘Yung time na nawala ka, do you feel insecure?

“I got tengga in 3 years, ‘di ba? Ang ginawa ko, I’m going back to school. I’m going to take short courses in UP. I’m doing stuff that’s not part of showbiz. Stuff that I can use like helping people. I want to get more involve with that like helping people, ganyan. Marami rin akong ginawa…”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “Heart Evangelista, sanay na sa pagiging api-apihan!

  1. Aba role model mo p ata c Marian ngaun a… Sya sa Red Cross, kw tutal mayaman nman kayo eh…charity n LNG pra s mga batang less fortunate… O Dba?

  2. Mas mahirap ang nag-aapi-apihan pero pailalim kung sumipa, gamit nya ang twitter nya para gumanti kay marian, right after ng sinasabi nyang pag-iisnab ni marian nasa twitter agad yun hindi nga lang nya pinangalanan kung sino, yan ba ang api-apihan, duh

  3. Plastic talaga iyang si Heart. Like Mother like Daughter.  Ewan ko ba itong si Miriam Defensor hindi man lang turuan si Heart ng Proper English tutal lagi naman itong nakadikit sa kanya

  4. Bowed?  Baka ibig mong sabihin ay NOD to MR.  So  you mean to say Heart MR is your Queen and you are the Uripon.  Minsan itoing si heart ang Grammar ay very poor.  BFF nga kayo ni Lovie ang grammar ninyo ang sama.  Nakakahiya

Leave a Reply

Your email address will not be published.