Tanda Ba News?: Heart Evangelista, Puso ng mga Kapuso

KUNG TUTUUSIN, HINDI na kailangang ipagsiksikan ni Heart Evangelista ang sarili sa showbiz. Restaurant magnate ang mga magulang niya na sina Reynaldo at Cecilia Ongpauco, tiyuhin niya si Rod Ongpauco, ang founder ng sikat na Barrio Fiesta restaurants. ‘Born with a silver spoon,’ ‘ika nga si Heart. Pero dahil angkin ang katangian ng isang artista, napansin agad ng isang talent scout ang actress-TV host nang minsang namamasyal ito sa mall.

Napasama siya sa Batch 9 ng Star Magic ng ABS-CBN. Sa teen-oriented TV show na G-Mik (2001), ipinareha siya kay John Prats. Maganda ang chemistry ng dalawa, kaya naman sa mga pelikulang Trip (2001), Ang Tanging Ina (2002), at My First Romance (2003), mas lalo pang pinasikat ang loveteam nila. Sa Trip napalunan ni Heart ang Best New Movie Actress ng Star Awards for Movies. Nagpatuloy ang team-up nina Heart at John sa teen show na Berks (2002). Eventually, natapos din ang on- and off-screen romance ng dalawa.

Aside from acting, naging VJ (video jock), commercial model at singer si Heart. Ilan sa albums na nagawa niya ay ang Himig Handog Love Songs (2002), Heart (2002), My First Romance Soundtrack (2003). Sinubukan din niya ang stageplay, siya si Beauty sa Beauty and the Beast (2003).

Nagsimula ang pagiging dramatic actress ni Heart nang makasama siya sa soap opera na Hiram (2004). Ipinareha na siya rito kay Geoff Eigenmann. Sa programang ito rin ay na-nominate si Heart bilang Best Actress sa Star Awards for TV.

Turning point sa career ni Heart ang taong 2007 nang mag-renew siya ng kanyang kontrata sa ABS-CBN. Hindi na siya exclusive talent ng istasyon. Per project basis na lang ang naging kasunduan niya sa Dos. Panday ang huli niyang full-length TV series sa istasyon bago siya lumipat nang GMA-7, kung saan napasama siya agad sa Codename: Asero (2008). Nagpalit na rin siya ng manager nang panahong ito. Mula kay Angeli Pangilinan, asawa ni Gary Valenciano, pumirma siya ng two-year exclusive contract bilang talent ni Annabelle Rama, ang Gutierrez family matriarch.

Sa TV series na Luna Mystika (2008), muling nabigyan ng lead role si Heart. Naisama na rin siya sa ilan pang TV shows ng Kapuso network tulad ng SOP Rules, 24-Oras, Sine Novela.

Sa kanyang lovelife, pinakamaingay ay ang love affair nila ni Jericho Rosales. Marami ang nag-akala na mauuwi na ‘yon sa kasalan, pero naghiwalay rin ang dalawa. May mga nagsasabing hindi naging maganda ang takbo ng career nila nang maging magsyota sila. Pero nang magkahiwalay, muli silang nabigyan ng magagandang projects. Sa kasalukuyan, ayon na rin kina Heart at Jericho, mabuti pa rin silang magkaibigan. Recently, nakipaghiwalay na rin si Heart sa non-showbiz boyfriend niya.

Alam n’yo bang February 14 ang birthday ni Heart? Ang real name niya ay Love Marie Payawal Ongpauco.

Click to enlarge.

loading...

2 thoughts on “Tanda Ba News?: Heart Evangelista, Puso ng mga Kapuso

  1. isa si Heart sa pinakamaganda at pinaka talented stars sa gma. top rater ang luna mystika at codename asero, plus ang ganda rin ng ngayon at kailanman sa dramarama. sana siya na si jessie sa full house.

Leave a Reply

Your email address will not be published.