Heart Evangelista, pagod na sa relasyong nauuwi sa hiwalayan

SOBRANG BLOOMING ngayon ang byuti ni Heart Evangelista, at kakaiba talaga ang glow ng kanyang mga mata kapag tungkol kay Senator Chiz Escudero ang pag-uusapan. Buo talaga ang kanyang tapang na patuloy pang ipagsigawan ngayon, na sobrang okey ang kanilang relasyon. Sa kabila ito ng katotohanan na hanggang ngayon ay hayag pa rin naman sa pagsasalita ang kanyang mga magulang na hindi sila happy sa relasyon ng kanilang anak sa sikat na senador.

Hindi naman naiiba si Sen. Chiz sa mga lalaking nagdaan sa buhay-pakikipagrelasyon ni Heart kung ang susukatin ay ang lalim ng pagmamahal. Kasi nga, ang unang katangian ni Heart kaya nasasaktan at nahihirapan ang mga lalaking kanyang nakarelasyon na kalimutan siya pagkatapos ng kanilang hiwalayan, ay ang pagbibigay ng aktres ng kanyang buong pagkatao at panahon sa isang lalaki sa panahong sobra siyang nagmamahal.

Pero pagod na rin si Heart sa relasyong nauuwi lang sa hiwalayan. Nasa tamang edad na siya, kaya gusto niyang kung magpapakasal siya ay si Sen. Chiz na ang lalaking kanyang makatuluyan. Sobrang kumportable na siya sa kanilang relasyon. Bilang anak, alam ni Heart na kung sa ngayon ay nagdadalawang-isip pa ang kanyang mga magulang sa pagkatao ni Sen. Chiz, alam niyang balang araw ay matatanggap din nila ang lahat, at magiging masaya rin sila kung makikita nilang maligaya siya sa lalaking pinili niya ngayong mahalin.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Heart Evangelista, pagod na sa relasyong nauuwi sa hiwalayan

Leave a Reply

Your email address will not be published.