Parazzi Chikka: Heart Evangelista, out na sa Patient X!

Sasabak na sa kauna-unahang pagkakataon si Richard Gutierrez bilang isang movie producer sa Patient X. Ito bale ang reunion nila ng direktor na si Yam Laranas na nakasama niya sa pelikulang Sigaw at niremake sa abroad bilang The Echo.

Si Chard din ang bida sa nasabing pelikula at dapat ay si Heart Evangelista ang kanyang leading lady, kaso biglang sinugod sa ospital ang chinita actress kamakailan lang. Malala na pala ang appendicitis nito kaya kinakailangang operahan agad. Pinayuhan ito ng mga doktor na magpahinga ng isang linggo. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, kailangang mag-quit ni Heart sa supposedly ay comeback movie niya. Ito na rin sana ang pagbabalik-tambalan nila ni Chard na unang sinuportahan sa Asero.

Paniguradong marami ang nalungkot sa balitang ito, pero may haka-hakang magsasama naman daw ulit sa primetime ang dalawa. Sa ngayon ay hindi pa nilalabas kung sino ang kapalit ni Heart sa pelikula pero may nakapagsabing isang Viva contract star daw ito. To Heart, magpagaling ka!

By Mica Rodriguez, Photos By Luz Candaba, Mark Atienza and Ricky Alejo

Click to enlarge.

loading...

6 thoughts on “Parazzi Chikka: Heart Evangelista, out na sa Patient X!

  1. kahit cnu patok , ugok nio baka putok . feeling nio nman sikat c dung nio hahahhahahaha . nag sisikat sikatan lang . feeling , kung umarte nman banung banu . hahahhaha c dung rechard nio naman . hahahahah

  2. sana next time makatambal pa rin ni richard si heart sa movie, love story drama. looking forward sa fullhouse on gma primetime with richard and heart.

  3. e khit sino nman ipartner kay richard siguradong patok di nman siya nakadepende lang sa isang loveteam ah!!!!!!!GO,GO,GO,GO CHARDDDDD!!!!!!!!!!

  4. Cristine deserve to be richard loveteam they are both hot, sexy, gorgeous and amazing actors goodluck to both richard and cristine.

Leave a Reply

Your email address will not be published.