Heart Evangelista, nakikipaggamitan lang sa dyowang pulitiko?!

THIS TIME, sigurado na sana si Heart Evangelista na si Chiz Escudero ang lalaking itinakda para maging kabiyak niya kung totoo ngang seryoso sa kanya ang senador. Ayaw naming isipin na pareho lang silang naggagamitan para pag-usapan. Na-experience na ng dalaga ang magmahal at mahalin, mabigo sa ngalan ng pagibig. Mga relasyong hindi nagtagal, nauwi rin sa hiwalayan.

Minsan nasabi ni Heart na nakakapagod din ang magmahal lalo na kung hindi mo kayang panindigan. Pero sa kaso nila ni  Chiz, nakita raw niya at nararamdaman ang sincerity at pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. Wish nga ni Heart, ang senador na nga ang kanyang maging kapalaran.

Ngayon lang naging masaya ang Mommy ni Heart nang manligaw at maging boyfriend ng kanyang anak si Chiz. Sa lahat yata na nakarelasyon ng dalaga, isa man sa kanila, wala siyang nagustuhan. Very vocal si Mader na sabihin, gusto niya ang senador para maging boyfriend ni Heart.

Mayroon na raw peace of mind si Mommy, kahit wala sa tabi niya si Heart. Alam kasi niyang masaya at maligaya ang kanyang anak sa piling nito. Malaki raw ang respeto at paghanga ng mag-ina sa Senador. Kapag nagpatuloy ang magandang samahan at pagmamahalan nina Heart at Chiz, hindi malayong mauwi sila sa kasalan. Nakahandang i-give-up ni Heart ang kanyang career sa taong mahal niya. Ganu’n ?

 

SA TULONG ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), magsasama-sama ang labing dalawang master directors ng local cinema para sa Sineng Pambansa National Film Festival on September 7. Isa na rito ang award winning/box-office director na si Romy Suzara. His Tinik presents a sober and impartial study of homosexuality through the story of a middle-aged gay couturier and his attempts to hold on to his dignity amidst the dilemmas and problems of his being gay.

Nagsimula bilang actor si Direk Romy sa mga pelikula ni Fernando Poe, Jr. and eventually naging action/drama director. Isa sa mga classic film niya ang Uod at Rosas nina Nora Aunor, Lorna Tolentino at Johnny Delgado na umani ng awards sa iba’t ibang award-giving bodies. Ito ang first daring film ni LT as an actress. Nag-topless, umibabaw at gumiling-giling sa private part ni Johnny habang nagla-lovemaking. Hindi rin malilimutan ang controversial bold film ni Direk Romy noong 90’s, ang Sutla ni Priscilla Almeda at Gary Estrada ng Solar Films na kumita nang more than one hundred million pesos sa takilya.

Excited si Direk Romy masimulan ang bago niyang pelikula na pagbibidahan nina Mark Gil at Hayden Kho. Bukod sa napaka-intriguing ng story nito, napaka-challenging ng role ng dalawa. Bagay kay Hayden ‘yung character na gagampanan niya sa pelikula. Malaki ang paniniwala ng batikang director na magiging isang magaling na actor ang dyowa ni Dra. Vicki Belo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Heart Evangelista, nakikipaggamitan lang sa dyowang pulitiko?!

  1. halata namang nanggagamit lang si heart sa relasyon nila ni keso eh… si keso naman nagpapagamit rin at nanggagamit haha! gamitan sila pati na sa sex haha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.