Heart Evangelista, nakikipag-date ulit sa dating boyfriend! – Alex Brosas

BINIGYAN NI MOTHER Lily ng tatlong mamahaling singsing si Kris Aquino.

Tuwang-tuwa kasi si Mother Lily sa pagpayag ni Kris na umapir nang libre sa Mano Po 6 na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta. Talagang si Kris pa mismo ang nag-offer ng kanyang serbisyo for free sa movie.

Natuwa kasi si Kris dahil naging napakabait ni Mother Lily sa kanya at sa kanyang pamilya. At nabaitan din ang Queen of Talk kay Mega dahil sa pagpayag ng husband nitong si Senator Kiko Pangilinan na maging spokesperson ni Noynoy Aquino.

Ang naloka kami ay sa balitang bumili itong si Kris ng bagong van. Ito ay matapos niyang ipagbili ang kanilang Land Cruiser para makadagdag sa pondo ni Noynoy.

Ang nakakaloka, higit na mas mahal ang biniling van ni Kris kaysa sa ibinenta niyang Land Cruiser.

Akala ko ba ay nagtitipid itong si Kris? Kaloka siya, ha!

SOBRA PALANG MAARTE itong si Jennica Garcia.

Bakit namin ito nasabi? Eh, kasi ba naman, feeling ng lokah, totoong-totoo ang lamang-lupa na gumanap sa sinu-shoot niyang horror film, ang Shake, Rattle & Roll.

Nagtatakbo raw kasi itong si Jennica at nag-iiyak nang makita ang extra na gumanap sa character na lamang-lupa. Takot na takot raw ito at parang diring-diri sa prosthetics na inilagay sa extra. Ayun, tawa tuloy nang tawa ang mga nakakitang staff sa kanya.

At nang makaeksena niya ang extra na may prosthetics, muntik na raw hindi makaarte nang husto si Jen.

Ganu’n?

ITINANGGI NI HEART Evangelista na tinatawag-tawagan niya at tine-text ang mga naging girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales.

“Hindi ako nang-aaway. I’ve never done that. In fact, ako ang nakaka-recieve ng text pero hindi ako magsasalita. I feel bad about that. Wala sa nature ko ang mang-away,” esplika ni Heart sa presscon ng Full House.

Sa ngayon, merong dine-date ang aktres. “Pero friendly dates lang because I’m not ready for a serious thing.”

Isa na rito si Ian Dy, ang kanyang first boyfriend.

“We were mga two years and a half in a relationship. Although boto ang parents ko sa kanya, I was too young. ‘Yon ‘yong time na nag-aartista na ako. I was 17 then,” paliwanag ni Heart.

Isang common friend nila ang nagpakilala muli sa kanila. “Everytime na nagkakaroon ako ng problema, siya lagi ang kausap ko. Alam niya ang sitwasyon ko.

“So, date muna tayo pero ayoko ng commitment. Ang tagal kong nawala sa family ko. Parang gusto kong maka-bonding ang family ko kaysa maka-date ko ang boyfriend ko. At saka hindi ako nababaliw. Kapag in love ka, baliw ka.

“Hindi naman super source of inspiration. Pinukpok na nga ako ng Diyos sa ulo. I don’t prioritize my love life now. Balanse ang buhay ko, hindi ‘yong parang wala akong magawa.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Heart Evangelista, nakikipag-date ulit sa dating boyfriend! – Alex Brosas

  1. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ…HINDI ITO PANINIRA BAGKUS ITO AY PAALALA PARA WALA NA SILA MALOKO PANG IBANG TAO….THANKZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published.