Heart Evangelista, nag-sorry kay Annabelle Rama

NAPANOOD KO SA Tweetbiz ang interview kay Heart Evangelista at medyo napaluha ito nang hiningan ito ng mensahe para kay Annabelle Rama.

Humingi siya ng sorry dahil sa nasaktan daw ito, pero sinabi lang naman niyang gusto lang niyang magtrabaho at sinusunod lang daw nito ang gusto ng magulang niya.

Habang buhay naman daw niyang tinatanaw ang utang na loob niya kay Annabelle, kaya nandiyan pa rin daw ang pag-asa niyang magkaayos sila at maging magkaibigan.

In fairness naman kay Bisaya, hindi na siya nagsasalita at ayaw na rin niyang magkomento pa dahil nasabi na raw niya ang gusto niyang sabihin at masaya na raw siya sa mga talents niya.

Pero ang kitang-kita kong masayang-masaya, si Heart talaga dahil sa boyfriend niyang si Daniel Matsunaga, huh!

Dumating kasi rito ang magulang ni Daniel para magbakasyon at hindi raw para mamanhikan, ha? Puring-puri ni Heart ang mga ito dahil gaya ni Daniel, napakabait daw nila.

“Feeling ko nasa heaven ako, para silang mga angels,” sey ni Heart. Ganu’n ang tingin niya sa pamilya ni Daniel kaya masayang-masaya siyang nakilala niya ang mga ito.

Kahit hindi raw sila gaanong nagkakaintindihan dahil hirap mag-English ang mga magulang ni Daniel, nag-i-enjoy pa rin sila gawa nang tanggap nila ang isa’t isa.

Sabi nga ni Daniel, sa lahat daw na mga naging girlfriends nito, si Heart lang daw ang pinakagusto nila. Okay lang daw sa kanila na maging Pinoy na itong guwapong Brapanese model/actor.

Naku! Sana nga, tuluy-tuloy na iyang magandang samahan nila dahil kitang-kita mo talagang inspired ito at kahit nag-i-emote ito, nandiyan si Daniel na nagpapagaan ng lahat. O, ‘di ba?

MAY BAGONG PROGRAMA na rin pala si Claudine Barretto, itong Christmaserye na pagsasamahan nila ni Jillian Ward na malapit nang simulan.

Nagkaroon ito ng story conference nu’ng nakaraang linggo at hindi napigilan uli ni Claudine na mag-emote dahil bugbog na bugbog na raw siya sa lahat na mga isyung kinakaharap niya.

Sabi nito nang in-interview siya ng Startalk, isa sa mga araw na ito ay magsasalita na rin siya para maipagtanggol ang sarili niya.

Dagdag pa sa lahat na mga intriga, ‘yung pinipilit na isyung hiwalay na sila ni Raymart. Kaya napikon na raw ang asawa niya at kung ano ang nasabi nito sa huling interview niya sa Showbiz Central.

Sabi ni Claudine, kapag wala pa raw silang nakikitang annulment papers huwag basta-basta maniwala sa ganu’ng intriga.

Nagtataka naman ako kay Claudine, bakit umabot na sa annulment paper ang usapan.

Pero mabuti na rin itong meron nang ginagawa uli si Claudine para may iba na siyang pinagkakaabalahan at hindi na ‘yung pagtu-tweet para wala na siyang makakaaway sa Twitter.

Abangan na lang natin iyang pinaghahandaang Christmaserye ng GMA-7.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Heart Evangelista, nag-sorry kay Annabelle Rama

  1. Para sa akin, a contract is made to end, kong tapos na ang contract, tapos na ang legal binding, business is business at kong anong nakuha na salapi sa panahon during may contrata pa, at least both parties naba benefit dahil dyan sa contrata, di ba Anabel? nakakuha ka rin naman ng part mo from Heart noong nakakuha ka ng malaking projects para kang Heart, ergo kong malaking projects, malaking kita at malaki ang 10% mo Anabel, di ba? Kaya as a Manager, kailangan kumilos ka ng kumilos para makakit nag malaking project ang mga alaga mo kasi yong 10% mo magdepende lang yon sa total earnings na alaga mo. Kung ang alaga mo maliit lang ang project o di maliit lang din ang 10% mo, di bahhh Anabellll? Ngayon alam mo na. KAILANGAN NG MANAGERS NA HANAPAN ANG MGA ALAGA NILA NG MALAKING PROJECTS PARANG YONG 10% NG MANAGER, LUMAKI RIN, GET it Anabell?

  2. Hay naku Heart, at bakit ka naman nagsorry sa ipokritang Annabelle? A big mistake for you. Sige, magsama kayong muli at ibugaw ka naman, turuan mo na lang siya ng basic english..ok?

Leave a Reply

Your email address will not be published.