Heart Evangelista, maingat sa relasyon niya kay Sen. Chiz Escudero!

NASANAY DATI ang publiko na ang nakakarelasyon ni Heart Evangelista ay artista at kaedad niya gaya nina John Prats, Jericho Rosales, at Daniel Matsunaga. Nakakapanibago na ngayon ay mas mature ang boyfriend niya at pulitiko pa.  Tuloy ay marami ang nagtatanong kung ano raw ba ang ang nagustuhan niya kay Senator Chiz Escudero?

“He’s such a nice person,” sagot ni Heart nang mausisa namin. “Seryoso siya pagdating sa mga dapat na seryosohin pero napaka-simpleng tao lang niya.

“Nakakatuwa kasi, he’s someone that you can really look up to kasi nakikibagay talaga siya sa iba’t ibang klase ng tao. And I learn so much from him.

“Ang pinakanagustuhan kong katangian niya, siguro ‘yong sincerity niya sa lahat ng tao. Kasi, especially he’s a politician. It’s really refreshing to see somebody like that.

“Minsan tahimik siya. Pero napakabait niya. Nakakatuwa siya. He’s really down to earth. Such a simple person as well.”

Hindi pa raw napi-feel ni Heart kung nakaka-pressure na maging girlfriend ng isang senador. Pero aniya, “This time around, in way I’d like to keep things a bit private. Hindi naman sa may itinatago ako or anything. Just you know, ‘yong relaxed lang na kind of relationship. Siguro it’s better that way para nga hindi maunahan ng mga intriga.”

Okey naman daw sa mga magulang niya at buong pamilya nila ang relasyon nila ni Senator Chiz?

“Kung saan naman ako masaya, do’n din sila. Ano naman sila, eh… they’re very supportive of me.”

May mga anak na si Senator Chiz sa ex-wife nito. Ready ba siyang ma-ging instant mom kapag nagkatuluyan sila?

“Ayokong pag-usapan,” pag-iwas ni Heart

So, hindi pa sila magkakilala ng mga bata?

“I don’t want to comment,” pag-iwas ulit niya.

Sa eleksiyon next year, susuporta ba siya at sasama kapag nagsimula nang mangampanya si Senator Chiz?

“We still have to talk about that. Hindi ko pa alam. Kasi I’m doing so much din, eh. May soap ako. Tapos may movie rin ako.”

Natutuwa naman daw si Heart na naiintindihan ni Sen. Chiz ang tungkol sa trabaho niya bilang isang artista.

“Very supportive naman siya sa trabaho ko. At supportive din naman ako sa trabaho niya,” nangiting sabi pa ng aktres.

Natatakot pa ba siya pagdating sa pag-ibig o pakikipagrelasyon? Dahil sinasabi rin nga ng iba, para itong game of chance. Isusugal mo ang emosyon o pag-ibig mo na hindi ka hundred percent sure na hindi ka matatalo.

“Hindi naman sa natatakot. But I’m very careful. Even with my decision. Or like now about… there’s a difference of denying and admitting. But living a quiet… you know, parang a private life. Hindi sa itatago mo.

“Pero ‘yong i-enjoy mo lang na parang… for the first time, this is for me. Parang gano’n. So siguro ‘yon lang.”

Hindi kaya maging mahirap for her and Senator Chiz ‘yong relasyon nila? Kasi pareho silang busy sa kani-kanilang propes-yon. Magiging limited lang siguro ang time nila for each other?

“Hindi naman. Kung gugustuhin n’yo namang magkita, magkikita at magkikita kayo. In a relationship, you do make time for each other.”

So depende na talaga ‘yon kung gaano nga nila kamahal ang isa’t isa?

“I guess so!” nangiting huling nasabi ni Heart.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Heart Evangelista, maingat sa relasyon niya kay Sen. Chiz Escudero!

Leave a Reply

Your email address will not be published.