Heart Evangelista, kuntento na raw sa career, buhay at pag-ibig

EXCITED SI Heart Evangelista para sa bago niyang pinagbibidahang serye sa GMA 7. Ito ay ang Forever kung saan leading man niya si Geoff Eigenmann.

“It’s not a common soap,” aniya. “Ito, iba talaga ‘yong kuwento. Bago pa lang siya nagawa.”

Umpisa na naman ng pagiging busy niya sa trabaho. At okey lang daw ito sa boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero.

“All the way ang support niya. Ako naman, all the way din ang support sa kanya. When I’m busy or he’s busy… we make time for each other. And he’s very sweet to me. He visits me all the time. I’m very happy right now. In all areas of my life, everything is good these days. Regarding work, for now I’m okay with Forever, Watta Job, and Party Pilipinas.  “Medyo napagod ako do’n sa Sosy Problems na may mga iba pa akong ginagawa no’ng time na nagsi-shoot kami. So, happy na ako do’n sa tatlong shows na ginagawa ko ngayon. Okey na ako do’n.”

Ano ba ang priority niya ngayon… career o personal life?

“Uhm… priority ko ‘yong sarili ko, I think. But not in a selfish way. More of… I have goals. I’m turning 28 this February (14). So I need to do what I need to do now. And the rest will just follow.”

Ano ba ang kanyang plans sa nalalapit na birthday niya?

“Ah… I don’t really have plans. Actually parang intimate dinner lang ang gusto ko. ‘Yon lang naman. I don’t want anything big.”

What if biglang i-surprise siya ni Senator Chiz sa birthday niya?

“Well, thank yo so much!” nangiting reaksiyon ni Heart. “Pero hindi ako nag-i-expect. This year I don’t expect. I don’t have great expectations. I’m just happy wih whatever comes my way. Wala na rin akong gusto pang i-wish. Kumpleto na ako. I’m just living my life. I’m living the good things that are happening in my life. No expectations at all. Dati gusto ko ng ganito o ganyan. Ngayon, nothing. I’m just really happy. I’m healthy.

“I’m happy with my family and my personal life. Everything is just great. So, happy na ako sa gano’n.”

Ganyan?

ISA SI Rachelle Ann Go sa mga naging guest sa katatapos na Silver Rewind  concert ng idol niyang si Regine na ginanap sa SM Mall Of Asia Arena. Masaya raw siya at talagang memorable daw for her ito.

“Sobrang thrilled!” aniya. “Nakakakaba. Pero mas nangibabaw ‘yong saya.”

Merong segment sa concert ni Regine tungkol sa mga theme songs ng movies nito. At do’n ay nakasama ngang bumirit ni Rachelle ang Song Bird, pati si Jaya, at ang singing trio na La Diva.

“Ang sarap ng pakiramdam! ‘Yong kaba na naramdaman namin bago kami sumampa sa entablado, nawala na ‘yon no’ng kumanta na kaming lahat. Parang naglalaro na lang kami. Gano’n na lang. In-enjoy na lang namin ‘yong napakasarap na feeling.”

Sa performance nilang ‘yon, nag-standing ovation ang mga manonood. Pero hindi raw ito napansin ni Rachelle Ann.

“Talaga?” nangiti niyang tanong. “Tumayo ‘yong mga tao? Maraming-maraming salamat naman at na-appreciate nila ‘yong ginawa naming biritan. Biritan na sabi nga ng iba… parang wala nang bukas, eh!” sabay tawang sabi pa ni Rachelle Ann.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Heart Evangelista, kuntento na raw sa career, buhay at pag-ibig

  1. talandi naman itong si puso kung sino sinong lalaki ang kinakalantari! malamang maluwang na ang puday niyan haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.