Heart Evangelista, isinugod sa ospital?! – Chit Ramos

INAMIN NI IMELDA Papin na halos magkapitbahay lang sila ni Michael Jackson (SLN) sa Las Vegas, pero, ang father dearest lang nitong si Joe Jackson ang kilala at nakakausap niya paminsan-minsan.

Ayaw niyang mag-elaborate kung gaano kayaman ang napangasawa niyang si Oscar Parel na siyang produ ng concert niya with Melissa Manchester dito sa ‘Pinas on Sept. 18, 8P.M. sa Plenary Hall of PICC at Sept. 20 naman sa Pacific Grand Ballroom Hotel and Casino, sa Lahug City.

Pinagtawanan rin ni Imelda ang intrigang unang niligawan ng kanyang dyowa si Claire dela Fuente, pero buhay pa daw noon ang asawa nito kung kaya’t nabaling ang atensyon nito sa kanya. “Not true,” aniya na sinegundahan naman ng sis-in-law niyang si Zeny Parel. “Basta masaya ako, iyon na lang ang alamin n’yo. Oscar has been supporting me in my profession dahil naniniwala siya sa mga mission ko sa buhay. Walang masyadong funfare nang umuwi ako dito sa atin minsan last year just to donate a dialysis machine sa isang hospital sa amin sa  CamSur para sa mahihirap. Actually, that endeared me  to my husband. Pareho kaming gustong tumulong sa aming mga kababayan. Kaya nga, ang awiting I Love You sa bago kong album is dedicated to him. Pinilit ko talagang ito ang maging carrier single, iba kaysa una naming ni-release sa abroad na Voice  of the Heart.

Naging controversial din noon ang simula ng relasyon ni Gary Valenciano kay Angeli Pangilinan, but as years went by, napatunayan nila sa isa’t isa na mas matibay ang kanilang pag-iibigan kaysa kina Martin Nievera at Pops Fernandez na alam naman ng lahat na matagal ng hiwalay ngayon.

“Angeli was never my dream girl, but she has surpassed it and she continuous to do so,“ ani Gary nang tanungin kung may awitin din siyang  isinulat para sa dakila  niyang pag-ibig. Marami sa mga awitin niyang kasama sa bago   nilang album ni Martin na  As 1 na magkakaroon ng concert sa Sept. 19, Sat.,8P.M. sa Mall of Asia Concert Grounds na dadalhin din nila sa “U.S. Canada Tours sa Pala Casino, San Diego Calif (Oct. 9), Nob. Hill Masonic Center, Sanfo at marami pang iba.

MAINIT-INIT PA ang balitang tinext sa atin ni Jun Lalin, tungkol sa pagpalit ni Cristine Reyes kay Heart Evangelista para maging leading lady ni Richard gutierrez sa Patient X. Isang malaking pelikula pa naman na pinagsosyohan ng Viva Films, GMA Films at IcedOut Production.

Isinugod pala si Heart Evangelista sa Makati Medical Center dahil sa matinding pananakit ng tagiliran, it turned out to be acute appendicitis kung kaya’t inoperahan agad ang dalaga. Sa taping ng Fasionistas with Heart na ipinalalabas sa Chan. 5 ito naganap, kaya’t natigil ang shoot. Pati taping niya para sa Ngayon at Kailanman serye nila ni JC de Vera ay napack-up din.

Buti na lang at si Veronique Corpus ang manager ni Cristine at isa ang Viva Films sa mga producer ng pelikula, kung kaya’t na-facilitate agad ang paggawa ng younger sis ni Ara Mina sa pelikula.

Natupad din kung gayon ang paggawa ni Cristine ng project sa GMA. Ibang klase nga ang pangyayaring ito. May Your Song na si Cristine sa ABS at may Patient X pa sa GMA-7. Sinira yata ni Cristine ang tradisyon ng magkalabang network. Maitutulad na rin siya kay KC Concepcion na nakapaglagare sa ABS at GMA, kahit ang mga kontrata nila ay exclusive sa ABS.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

12 thoughts on “Heart Evangelista, isinugod sa ospital?! – Chit Ramos

  1. Fasionistas with Heart diba sa q11 un,
    di pwede si christine sa full house, kakapirma lang nya ng contrct sa abs, may mga nakaline up na sa kanya dun, may siries pa nga sya.

  2. Itong si lola cougar aka Imelda talaga oo…”halos kapitbahay” si MJ? Paano nangyari yon, eh hindi magkasundo ang yumaong si Michael at ang tatay, at hinding-hindi sila magsasama sa isang bahay?

    Kung naging lover o BFF mo si Michael, sige, ipagkalat mo. Pero OMG, “halos kapitbahay” na di nagkita ever? Lola, wag nang gamitin ang yumaong si Jackson sa kapakanan ng iyong has-been concert.

  3. MAY PROJECT NGA SI HEART PERO YUNG MGA CHARACTERS THAT IS GIVEN TO HER DI NAMAN MGA CREDIBLE ROLES…SHE’S NOT THAT POPULAR ANYMORE SIYEMPRE BASTA BAGONG LIPAT SA ISTASYON GANUN NAMAN LAGI MARAMI PROJECT SA UNA!

  4. Sayang naman kung kailan sunod-sunod na ang project ng lola Heart mo. I heard pati ata sa Full House ay posebling mapalitan cya with other actress, coz she will be out of work November…

  5. We wish Heart a speedy recovery. Congratulations to Christine. She crossed that line and is now another exclusive star that can work with both networks. Ano ang say kaya ni RR ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.