Heart Evangelista is excited in her TV project with Dingdong Dantes!

 

PATULOY NA MAPAPANOOD si Heart Evangelista sa GMA-7 sa loob muli ng dalawang taon. After Dwarfina, muli itong gagawa ng primetime soap opera na may temang drama na sisimulan ang taping sa July 10, dahil mayroon na raw airing date, kuwento sa amin ng nanay ng aktres na si Mrs. Cecile Ongpauco na tumatayo ring manager nito.

Ayaw pang sabihin ni Mrs. Ongpauco kung sino ang magiging leading man ng kanyang anak sa susunod na TV project nito. Pero napilit namin si Heart na sabihin sa amin kung sino nga. Si Dingdong Dantes daw, kaya excited na ito.

Wala naman daw dapat ipagselos sa kanya ang girlfriend ng aktor na si Marian Rivera ‘pag nagkasama na ang dalawa sa trabaho. Pero hindi pa raw naikuwento ni Heart kay Marian ang tungkol dito, kahit magkasama sila sa pelikulang Temptation Island.

Masayang-masaya naman ang 25-year-old actress sa pagpirma n’ya ng two-year contract with Mother Lily’s film outfit Regal Entertainment, Inc. Ibig sabihin kasi, after Temptation Island, showing on June 22, may ilang movie projects pang gagawin si Heart for Regal Films.

In fact, may naisip agad na movie title ang Regal matriarch habang ka-tsika namin s’ya with Heart, Mrs. Ongpauco and Mother Lily’s successor, her daughter, Roselle Monteverde-Teo. Love, Must We Say Goodbye raw, kung saan baka puwede raw makatambal ni Heart, hindi lang ang kanyang current boyfriend na si Daniel Matsunaga, kundi pati ang kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales.

Hindi naman makaimik si Heart sa idea ni Mother Lily. All she could say was, “Oh, my gosh!” na tila nahihiya o hindi kumportable sa kanyang narinig, lalo na’t katabi n’ya ang kanyang mommy during the tsikahan.

Pero para sa mag-ina, kung sino man ang gustong ipareha ni Mother Lily sa magandang aktres, okey lang sa kanila. After all, Mother (Lily) knows best.

 

MUKHANG TULUY-TULOY NA nga ang pagsikat ng baguhang actor na si JM de Guzman na isa sa leading men ni Lauren Young sa teleseryeng Mula sa Puso.

Bukod kasi sa acting, handa na ring sumabak ang baguhang aktor sa recording scene sa tulong ng aming kaibigang si Albert Sunga ng Ivory Music Philippines.

Actually, nang mapakinggan namin ang isa sa tatlong kantang nai-record na ni JM which is his original composition entitled “Carried Away” (which he composed for her non-showbiz ex-girlfriend in 2008), akala namin ay isang song na kinanta ng isa sa mga finalist ng American Idol (AI) this season. Tunog AI ang pagkakanta ng up-coming singer.

JM’s debut album is a 12-track collection of 10 revivals and two (2) originals which were both written by himself. Dalawa sa Tagalog revivals ng actor-singer ay ang first hit single ni Aiza Seguerra na “Pagdating ng Panahon” at “Yakap sa Dilim” ng APO Hiking Society.

 

HAPPY SILVER WEDDING anniversary to Senator Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado who are set to renew their marriage vows tomorrow, May 28 (their actual wedding anniversary), afternoon at the Shrine of St. Therese of the Child Jesus in Villamor Airbase, Pasay City.

 

HAPPY 10TH WEDDING anniversary to Aga Muhlach and Charlene Gonzalez tomorrow, May 28, also! Ngayong araw ang dating ng mag-asawa galing Singapore kung saan sila nag-celebrate ng kanilang wedding anniversary kasama ang kanilang mga anak na sina Andres at Atasha Muhlach.

Napag-alaman naman namin na magku-cruise sa bansa sina Ags at Char (palayaw nila) sa Linggo, May 29, kasama pa rin ang kambal nilang anak at iba pa nilang mga pamilya at ilang kaibigan gamit ang yate ng kaibigan ng una na si Willie Revillame. Noong Tuesday pa umalis ang pamilya ni Aga para magbakasyon sa Singapore.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

10 thoughts on “Heart Evangelista is excited in her TV project with Dingdong Dantes!

  1. kung hindi man matuloy ang dong-heart tandem,,,,aljur-heart n lng my chemistry din naman cla….ndi kelangan ni heart ng sikat na leading man kc xa lng,,dala na nia ang show….go go go heart evangelista soon to be the queen of gma primetime……maganda,multi-talented at award winning actress,,meron ba nyan ang iba,,,,,?????just asking…..

  2. UNG INUMPISAHAN NG AWAY NLA, na mention dw n heart ky marian na excitd na dw sha mkatrabaho c dingdong dhl may new projct ung gma para ky dingdong at heart.. aba! ang hitad n marian hndi cgru na take n mkkatrabaho n heart ung papa nya kya ngselos (dating crush n dingdong c heart)… yun n ang umpisa ng away nla!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! so guys….its so clear kng anu ang punot dulo ng lht!!!!!!!!!!!! grabe ang puta, hndi n nkuntento sa pag AGAW nya ky dingdong ky KARYLE. sa bgay, takot ang ahas sa kapwa ahas.hahahahahhahahahaha at lht ng mga kganapan includng heart’s mom and lovi and etc, ay follow up n lng un sa hdwaan nla. kya kaung mga cheap n fans n palengkera mghinay hinay kayu sa pngsasabi nyu..porket idol nyu eh sha na ang TAMA????!!! duh we all know dat other casts of temptation island nsa panig ni heart… un na!!! and oh!! by the way, MAY HEART EVANGELISTA NA BEFORE PA NGKA MARIAN RIVERA.. ciao losers!!! whahahahahhahahahhahaha

    EXCITD N RN SNA AKO SA NEW PRJCT NA TO N HEART AT DONG..PERO MUKHNG DI N MTUTULOY DHL KINONTRA NI MARIAN..AT AYAN..UNG ISSUENG AWAY NLA NGYN.. WLA TLGNG DELIKADESA YANG PALENGKERANG YAN! NKAKASAWA NA DONG AT MARIAN..TULARAN NYU ABS..NAG EEXPERIMENT!!!!!

  3. naku sana matuloy ang dongheart tandem mukang may chemistry kase sila.. sawa na ko sa dongyan, rhian.. si heart naman.. pero mukang di pa ata matutuloy..

  4. WOW!!!!kaka excite naman yan,buti naman agad cyang nagkaroon ng bagong show kasi sa totoo lang mis na mis ko na si miss heart sa PP ko na lang cya nakikita at minsan naman sa EB kaya so excited na po=)

  5. I like Heart sa comedy. I loved the show she had with Richard Gutierrez. Sana gumawa ulit siya ng parang ganoon sa GMA7 kasi ok siya sa light drama with comedy :) Ang galing niya magdala ng ganoong shows.

  6. ibigsabihin kasali sya dun sa cain at abel ni dingdong at aljur? parang itinambak lahat ng gma sa isang show ung pinaka sikat nilang artista. iilang na ngalang sila e haha

  7. Awesome! Galing ng naisip ni Mother Lily..siguradong napakaganda ng kwento nyan! at the same time, maganda din ang heart-dong tandem…NICE!

  8. Wow maganda ang naisip ni m0ther lily.,im sure box office hits yan.,go heart.,ur the best kapuso star;)

Leave a Reply

Your email address will not be published.