Heart Evangelista, idinaan sa pagpipinta ang pagmumukmok!

OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka na talagang hindi nauubusan ng pasabog!

Natutuwa naman ako kasi marami ang nakaaalam na nitong column ko rito sa Pinoy Parazzi. Pati ‘yung sinakyan kong taxi, nagtatanong sa akin kung ano ba raw ang totoo roon sa sinulat ko kina Korina Sanchez, Karen Davila at Kris Aquino na may lihim na hindi pagkakaunawaan?

Sagot ko na lang, walang baho na hindi nabubulgar. Pagdating ng araw, sila-sila mismo, maglalabasan ng sama ng loob sa bawat isa. Matira ang matibay, ‘ika nga.

Pero teka, hindi ‘yan ang nasaisip ko ngayon. ‘Eto, nagulantang naman ako sa isang tabloid na sinasabing, ‘Sen. Chiz, habang busy sa pangangampanya… Heart may ibang kinalolokohan na naman’. Na kung hindi mo babasahin ang laman, makapag-iisip ka na naman ng masama kay Heart.

Kasi nga, katatapos lang ng patutsadahan ng kanyang mga magulang laban kay Sen. Chiz Escudero, na kung anu-anong masasamang ugali ang ibinibintang kay Chiz, na ikinalaglag nito sa survey. Pero naging matatag ang desisyon ni Heart na si Chiz pa rin ang kinampihan at ipinaubaya na lang ni Heart na darating ang panahong mareresolba rin itong gap nila sa kanyang parents.

Kaya nag-decide daw ito sa advice ng kanyang mga pinagkakatiwalaang kaibigan, kasi ayaw na niyang ma-stress at ma-pressure sa mga nangyayari. Kaya sa kasalukuyan ay abalang-abala si Heart sa pagpipinta or painting na kanyang bagong kinalolokohan. Kaya ito ang nagsilbing outlet ni Heart sa panahon na siya ay depress at nalulungkot. Na sa halip na maglasing magmukmok at mag-self-pity sa mga nagdaang problema sa kanyang mga magulang, idinaan na lang ni Heart sa pagpe-painting, habang ang kanyang BF ay busy at kasagsagan ng pangangampanya.

Kasama naman ni Heart ang kanyang mga kaibigan na nagpayo sa kanya para may pagkaabalahan sa bigat ng mga problema na kanyang dinanas nitong mga nakaraang araw.

Pero teka, si Heart kaya ang tinutukoy sa isang blind item na sobra raw ang kuripot nito na ‘pag kumakain daw ito, nagtatago sa isang sulok at ‘pag may natitira, ito na lang daw ang pinapakain sa kanyang mga friends at alalay? Pero parang hindi naman ako naniniwala kung si Heart ito. Kasi alam kong galing ito sa buena familia at sawa na ito sa mga masasarap na pagkain. Kasi sila ang may ari ng isa sa kilalang restaurant dito sa atin, maging sa ibang bansa, ang Barrio Fiesta.

Ang mga detractor nga naman, kahit ano, iniisip masira lang nila ang isang katulad ni Heart na parang nakatagpo na ng Mr. Right sa katauhan ni Chiz, na namang pilit ibinabagsak ng mga kalaban.

Nakarating nga sa akin na talagang sumama ang loob ni Chiz, kasi inilaglag ito sa kanilang partido kasama si Loren Legarda at Grace Poe na ang pinaghihinalaan, ang malapit na kaibigan ng mga magulang ni Heart na si dating Pres. Erap.

Hay, naku! Ang pulitika, kung didibdibin mo, mabubuwang ka talaga sa Earth, na magsisiraan, maibagsak lang nila kahit na anu- ano na lang ang mga ginagawang issue masira ka lang sa tao.

Kaya payo ko sa lahat ng nagtitiwala sa akin, kung sino ang alam mong makatutulong sa bayan at lalo na sa ‘yo, doon ka at magpakatatag tayo na ‘wag tayong padadala sa mga matatamis nilang kasinungalingan sa tao. Iboto ang karapat-dapat sa ‘yo at ‘wag padidikta.

Ay, tama talagang PSSST ang colum ko ngayon – pulitika, showbiz, sport, swarding, tsika. Kaloka! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

16 thoughts on “Heart Evangelista, idinaan sa pagpipinta ang pagmumukmok!

  1. well, bakit ba naman nasama jan si pres erap?,, eh,lagi namang isyu jan sa mga lovelife ni heart yong mga magulang nya,, hay naku, wag nga kayong mandamay ng iba,,, na wala namang kinalaman,,hindi pa kayo nasanay sa mga parents ni heart na lahat nalang ng BF inaayawan… kalorkey naman!! Imbes na manira ng iba,, ayusin nalang at makipagusap nlang yang chiz naya sa mga magulang ni heart… hindi kita iboboto…hmmm… HAGIDORN PWEDENGPWEDE PA!!! tingnan mo naman ang palawan?? eh tong BIcol? mahirap parin,,,,

  2. Smart at very talented talaga si heart,.kahit na hindi sya nakagraduate ng college,the way na sumagot sya sa mga interviews nya masasabi mo talaga na matalinon sya,.unlike sa iba college grad pero utak parang d nakapag.aral..

  3. Gusto ko sina chiz at heart,.bagay sila kahit malaki agwat edad nila,.kilig na kilig ako sa kanilang dalawa..sana sila na ang magkatuluyan:)

    • Di ba pareho kayong nag-quit?….eh di magtapos ka rin! Sabay kayo! Kung sabagay labanan lang naman ng Valedictorian at Salutatorian ng batch nyo? HAHAHAHAHAHAHAHA!

    • Maybe she’s already planning on going back to school and pursue her studies. I watched her interviews and I can’t believe na hindi pala sa nakatapos ng college because she is fluent with the English language. Tinalo pa ang mga college grad n d lang makapag straight ng English. Sabagay kung galing ka sa isang buena familia, you are born with the English language just like Heart and sabi nga nila experience is the best teacher. So hindi rn nakapagtataka na intelihente s Heart because she has traveled the many countries of the world. Good luck heart to your endeavor :)

      • ANO KA BA, MISS CATHY. NATAWA NAMAN AKO DUN SA SINABI MONG BORN WITH THE ENGLISH LANGUAGE. HAHAHAHA! PATI ANG ARGUMENT MONG INTELIHENTE SYA KASI SHE HAS BEEN TO MANY COUNTRIES. KALOWKAH! DI NAMAN BASEHAN NG INTELLIGENCE ANG PAGSASALITA NG ENGLISH. DAMI JAN, KAKAHIYA ANG GRAMMAR HA PERO MAY KAYA NAMAN SILA. YUNG IBA NAMAN, PURITA TITIWANG PERO MATATAS MAGSALITA. DITO LANG SA PINOYPARAZZI, ANG DAMING KALOKANG MAG-COMMENT PERO ANG GRAMMAR! JUICE MIO. PATI YATA PAGGAMIT NG TAMANG PUNCTUATION MARKS EH DI NATUTUNAN SA GRADE SCHOOL. LOL 

      • Well cathy i beg to disagree about heart being fluent in english! lol and there’s no such thing as born with the english language! that is one hell of a ridiculous saying! lol if you didin’t notice taglish si heart magsalita at mangusap at if you could read all her interviews sa pep.ph maiirta ka lang sa “you know” “yeah” “well” at iba apng kakairitang taglish interviews nya na paikot ikot lang! and phuuuuulllleeezzzzz even americans can’t even do a perfect grammar nor sentence!

        one more thing teh and babaw naman ng logic at analogy mo mo porke ba nakapagtravel na sya from different countries eh intelihente na for you??? come on!!! make some sense teh! i can much more accept pa kung sinabi mong WELL TRAVELED person sya but saying she’s intelligent and BASED IT coz shes been traveling been and seen different countries is plain STUPID and DUMB!

      • Hiya naman ako sa english mo cathy. “Traveled THE many countries” hahahhahahhahahha. 

  4. WELL, KUNG ANG IBA EH ANG TINGIN SA HEART-CHEEZE ISSUE EH BAD INFLUENCE SI CHEEZE, SA TINGIN KO, MAS MARAMING MAGANDANG NAGING BUNGA YON. FIRST, NATUTUONG MANINDIGAN SI HEART NA SA EDAD NYA EH PANAHON NA PARA IPAGLABAN NYA ANG SARILING KALIGAYAHAN NYA DE VAH? THEN, NATUTO NGA ITONG I-DIVERT ANG FOCUS NYA SA PAGPIPINTA EK-EK. TAPOS, NAGTITIPID NA NGA RAW ITO SA PAYO NA RIN NI CHEEZE. MARUNONG NANG MAGTIPID ANG LOLA NYO KAYSA NAMAN ITAPON ANG PERA SA MGA LV AT HERMES BAGS NA YAN. THEN, NAGBABALAK NGA RAW BUMALIK SA SCHOOL ITONG SI HEART. O DEVAH, NAPAKAGANDANG GOAL YAN. WHETHER SHE’S PRODDED BY CHEEZE DAHIL PARA GAWIN SYANG FIRST LADY EK-EK, WELL, MAGANDA NAMAN NA MAKAPAG-ARAL SYA KAHIT IN THE END EH MAGKAHIWALAY SILA. O DEVAH? ANO KAYANG MASASABI NINA MR&MRS BARRIO FIESTA?

    • I hope Chiz will be able to patched things up with the Ongpaucos para wala ng problema sa relationship nya with Heart and walang kokontra. It is just s sad na things blew out of proportion. Fr me, bagay si Heart and Chiz despite their age gap. :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.