Parazzi Chikka: Heart Evangelista, hit and miss sa projects

Ever since lumipat si Heart Evangelista sa kuwardo ng Siyete, napunta sa alanganin ang ilan sa mga proyekto niya. Matatandaang isa sa mga dahilan ng paglipat ni Heart sa Kapuso network, eh, ang pag-ayaw niya sa kissing scenes sa Hiram na Mukha. Pero ang unang project naman niya bilang Kapuso, eh, ang Codename: Asero kung saan meron s’yang super sensual belly dancing scenes. Nariyan din ang pagtanggi niya sa Sinenovela with Dennis Trillo matapos ang success ng Luna Mystika pero ang ending, nauwi rin naman siya sa hapon with JC de Vera.

Lately naman, in-offer sa kanya ang Patient X ni Richard Gutierrez pero nagkaroon naman siya ng appendicitis kaya pinalitan siya ni Cristine Reyes. Sana naman, this time, kahit third choice lang siya sa Mano Po 6, eh, humataw na ulit ang karera niya, huh!

By Faith Salazar, Photos by Luz Candaba and Parazzi Wires

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.