Heart Evangelista, hindi deserving sa award? – Tita Swarding

OLACHIKKA.. NAKU, HA! Naloka ako sa chika ng kapuso star na si Heart Evangelista.

Bakit? Dahil kinukuwestiyon ngayon ang pagkapanalo ng dalaga bilang FAMAS best actress, pero wala naman ni isang nagreklamo.

Ang chika lang ng ilan, dahil sa ginawang pag-etsa-puwera ni Heart sa pelikulang Ay Ayeng na nagbigay sa batang ito ng bigating award. Kung hindi ako nagkakamali, ang producer ng Ay Ayeng  ay taga-Hawaii.

Pagkatapos diumano ng pelikula ay ni hindi na raw nagpakita ang dalaga at pati ang pagpo-promote ng pelikula ay hindi na sinipot nito. Hanggang sa walang ingay na nilikha ang pelikula. Kahit kasambahay ko nga ay hindi alam ang tungkol sa pelikula, ang buong Pilipinas pa kaya? Tila binalewala nga raw ng talent ni Annabelle Rama ang pelikula.

[ad#post-ad-box]

Pagkatapos daw makuha ang talent fee ay goodbye and see you no more na raw ang drama ni Heart. Naku, ha! Ayaw na ayaw ng beauty ko ng ganyan. Ha! Ha! Ha!

At ang nakakaloka, umuwi na lang daw na luhaan at purdoy ang producer. Aray ko po! At parang walang nagyari sa ginawang movie.

Pero ngayon na nanalo na ay tila abot-tenga ang ngiti ni Heart. Naku, ha!  Ang hindi raw pagsipot ni Heart sa awards night ng FAMAS ay dahil sa ginawa raw nitong kabalbalan.

Nakausap ko noon ang producer. Pero ngayon ay pilit kong tinatawagan nang long distance ang producer pero hindi na makontak. Alam na kaya niya na ang movie niyang Ay Ayeng ay ang nagbigay ng bigating award kay Heart pagkatapos ng nangyari? Hmmmm.. Abangan!

TILA FEELING NG hitad na nanay ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionesia ay 12 years old lang siya at ngayon pa lang siya nagdadalaga. Tila hindi pa nagkakaroon ng mens?

Hesus maryosep! Ha! Ha! Ha! Ang haba raw kasi ng hair ng lola n’yo, este mommy ni manny. Ha! Ha! Ha! Dahil bukod pala sa DI (dance instructor) nito ay tila pinipilahan ang beauty niya ng mga manliligaw. Aray ko po!

Hindi lang isa kundi halos tila nakapila raw ang mga ito sa labas ng kanyang bahay. Ganu’n siya kaganda? Ha! Ha! Ha! At sa sobrang haba ng hair niya, ang hitad ay sobrang kilig-to-the-bones pa. Naku, ha! Sa tanda mong ‘yan, magtigil ka na. Ha! Ha! Ha! Charot!

Hindi ganda ang habol sa ‘yo. Bukod sa pera ay gusto nilang may lola at nanay pa. Ching lang! Pero ayaw na ayaw na nga raw ng asawa ni Jinky na si Manny Pacquio na mag-asawa ang nanay nito dahil sa dalawang relasyon nito ay puro failed ang kinalalabasan. Mas gugustuhin na lang daw ng mga anak ni Mommy Dionesia na mag-alaga na lang ng mga apo at mag-enjoy sa buhay at magpakasarap sa perang kinikita niya ang madir ni Manny. Ganu’n siya kabongga! Maglaway na lang daw ang mga lalaki sa ganda niya. Aray ko po! At tila ang unang haharapin ng mga ito ay ang kamao ni Manny Pacquiao. Ano raw?

Pero ang nakakaloka ay tila pag-uwi raw ni Manny pagkatapos ng kanyang boxing laban kay Miguel Cotto ay sabay na rin daw nito ang pagproklama niya bilang kandidato sa susunod na eleksyon. Hmmmmm….Ganu’n? Ito ang aabangan ng lahat. Hindi ang pagproklama, ha, kundi ang boxing laban kay Cotto. Ha! Ha! Ha! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Heart Evangelista, hindi deserving sa award? – Tita Swarding

  1. obvious naman na HINDING-HINDI! heart vs judy ann, sharon and anne?! at bakit kaya walang masabi si tandang alfie lorenzo sa pagka talo ni judy ann kay heart… dahil friend sila ni annabel rama? style mo tandang alfie… BULOK!

  2. ang pinagbasahan ng famas yung ginawang akting ni heart sa pelikula na ubod naman ng husay ng pagkaganap niya at hindi kung anuman. kung anuman ang binayad sa kanya ng produ ginawa naman ni heart ng buong husay ang character doon. sana maglabas ng DVD. sayang nga lang hindi siya nakadalo to personally received her first major acting award. congrats heart! more power and awrds to come!

  3. naku aling dionisa, peperahan ka lang ng mga iyan. sobrang hirap yata ng buhay sa pinas kaya ikaw ang inaasahan nila na makapagbabangon sa kanilang kahirapan. esep esep!

Leave a Reply

Your email address will not be published.