Heart Evangelista, handang gumawa ng hakbang para magkaayos sila ni Marian Rivera!

NAKAKATUWANG MARINIG kay Heart Evangelista na kung sakaling magkita sila ni Marian Rivera one of these days, willing siya na unang gumawa ng hakbang para magkaayos sila. Matatandaang matindi rin ang naging iringan nila sa panahong sinu-shoot pa lang nila ang pelikulang pinagsamahan nila sa Regal Films na Temptation Island.

“You know, I’m not really that type na… ano naman ako, e… parang… sa kahit sino naman, I’m just gonna bow my head,” ani Heart in our recent interview sa kanya.

“So if there’s  a chance, I won’t hesitate to come forward naman. Para tapos na. I’m always willing naman, especially if the doors are open naman na… may chance. Gano’n lang naman talaga ang showbiz. May nag-aaway.”

Mas blooming pa ngayon ang beauty ni Heart. Masaya raw kasi siya sa buhay niya ngayon. Maganda ang takbo ng kanyang career. Okey rin ang relasyon nila ni Daniel Matsunaga. May mga nagsasabi ngang parang perfect couple sila.

“Sana nga. Kailangan ma-maintain ko ang figure para mudel!” biro ni heart patungkol sa mas slim pa na pangangatawan niya ngayon.

Hindi naman itinatanggi ni Heart, napag-uusapan na raw nila ni Daniel ang tungkol sa pagpapakasal.

“Yeah!  Sinabi na rin nga niya sa akin na… he wants to marry me. And I’m really really flattered na gano’n na ‘yong intention. At least, ‘di ba? I have nothing to worry about. But, ah… of course the date… it’s still very far away. Kasi nga siyempre, we have to be realistic. You know, I think we need to work. And we’re both young. And we have so much that we want to do. So… it’s nice that we think about it. That’s good enough for now. And then to follow na lang kung kailan ang tamang panahon para do’n.”

Ano ba ang dream wedding niya?

“Ako? Simple lang. Actually I wanna have the opposite wedding of what I’m with my life na… showbiz… ganyan. But… of course, I want everybody to see. ‘Di ba? But I really want it to be simple and happy.”

Supposedly pala, ‘yong The Beloved ay para sa kanila ni Dingdong Dantes. Napunta kay Rhian Ramos ‘yong role niya.  Siguro para iiwas na rin siya dahil nagkaroon nga ng isyu sa kanila ng girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera sa panahong nagsu-shoot sila ng Temptation Island .

Sa ngayon ay nagkakaproblema ang The Beloved dahil nga sa pinagdadaanan nitong si Rhian. Ano ang nagiging pakiramdam niya right now dahil… dapat nga sana ay sa kanya iyon?

“I trust GMA and their choices naman. So kung iyon ang naging choice nila (na hindi sa kanya ibigay ang project), I’m also happy. Kasi ayoko rin ng gulo. Ayoko rin ng anything. Sometimes it’s better to just back off. ‘Di ba?”

May ipinalit naman ngang project na para sa kanya. Ito nga ay ang Legacy with Lovi Poe and Alessandra de Rossi. Last December 13 nga raw ang first taping day niya for this.

“Excited ako para sa project. Magagaling ‘yong mga artistang kasama ko. Lahat naman minsan may kapalit, eh. Mas maganda pa nga minsan ‘yong kapalit na napupunta sa ‘yo. Mas makakabuti. So, okey lang.”

Tungkol ba saan ‘yong Le-gacy?

“It’s about sister’s rivalry, unconditional love of the family. Tatlo kami nina Lovi at Alessandra na magkakapatid.”

Sino ang mga lalaking cast na makakasama nila?

“Sina Geoff Eigenmann at Sid Lucero. Sa story, mag-aagawan kami sa lalaki. Parang hindi namin akalain na iisa lang pala ang minamahal namin. Pero more on the sister and the family ang focus ng story. Also, I know I’ll be doing two movies by January and February under Viva Films. ‘Yong isang movie is Pagpag na suspense-thriller. Tapos the other one… parang lovestory naman.  So… from relaxed mode, medyo magiging busy na naman ako,” nangiting sabi pa ni Heart.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

10 thoughts on “Heart Evangelista, handang gumawa ng hakbang para magkaayos sila ni Marian Rivera!

  1. after what happened to the airport and the presscon, huwag muna. kailangan na eto ng third party intervention and also control heart’s nanay

  2. DAPAT MAG BATI NA SI MARIAN THE NO. 1!!!!!!!!!!!!!AT HEART, THEY BOTH BELONG TO THE NUMBER 1 NETWORK AND HEART IS ALSO A STAR WITH A LOT OF FOLLOWING. GMA NO. 1!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. Pingback: DY NEWS-121911(re-updated) | DYFever

  4. Di q masisi c Marian if d Nya p feel mkipagbati ke Hack!! Kc nman she felt betrayed!! Tinraydor sya e!! Kaw b nman gawin sau un ora Mismo bati agad??? Aminin Nya fault Nya at sabihin Nya totoo bka forgive p sya! D ung gaga gawa k ng kwento tapos dmo kayang panindigan??? Lakas p ng loob mo magtwit inisnab ka?? Ano gusto mo makipagplastikan sya sayo??? Sorry pro ganyan talaga mga taong pranka….they show how or what they feel!!!! Consequence LNG yan ng mga ginawa mo….

  5. Heart is a good and humble person. Kahit mayaman sila, she is very down to earth. Kaya siguro she’s willing to make the first move kase ugali na nya talaga na ayaw nya ng gulo.. I salute her for that. Go girl, we will support you.

Leave a Reply

Your email address will not be published.