Heart Evangelista, handa nang harapin si Marian Rivera!

HULING PELIKULA NA ni Heart Evangelista ang Temptation Island sa Regal Films. Tapos na ang kontrata niya with Mother Lily Monteverde. Kailan lang, pumirma ng three-year movie contract ang dalaga sa Viva Films and three-year management contract with Viva Artists Agency sa harap nina Boss Vic del Rosario at Veronica del Rosario-Corpus (general manager for VAA) at ang manager ni Heart na si Mommy Cecille Ongpauco.

Exclusive ang movie contract ni Heart sa Viva Films, three films a year. This time, ibang klaseng Heart Evangelista raw ang makikita natin sa mga pelikulang gagawin niya sa nasabing movie outfit. She will do things that she has never done before. Inihahanda na ang isang suspense-thriller na una niyang project sa Viva-Caparas. Magre-record na rin siya ng album for Viva Records.

Ayon kay Heart, hindi siya namimili ng leadingman. Ang Viva raw ang magdi-decide kung sino ‘yung babagay sa role. Malaking panghihinayang ng actress na hindi niya napanood ang No Other Woman nina Cristine Reyes at Anne Curtis dahil gusto niyang makita kung gaano ka-daring ang bed scene ng dalawa with Derek Ramsay. At 26, it’s about time na pawang mature role na ang kanyang ginagampanan. Move-on to the next level ng kanyang movie career ang ginagawa niya sa ngayon.

Tipong palaban na nga yata ngayon si Heart, handa na siyang magpa-sexy, makipag-kissing scene at makipag-bed scene depende nga lang sa project at kung sino ang magiging director. Kahit sino namang artista, nangangarap na maging blockbuster ang kanilang pelikula kaya gagawin nila ang lahat para sa ikagaganda ng project.

Kahit pumirma na ng kontrata si Heart sa Viva, tuloy pa rin ang paggawa niya ng teleserye sa GMA-7 dahil may two years contract pa siya sa Kapuso Network. Katunayan nga, sisimulan na niyang gawin ang soap na Legacy with Lovi Poe, Geoff Eigenmann and Eddie Gracia. Kahit super hectic ngayon ang schedule ng actress, pangarap pa rin niyang makatapos ng college (study law). May one-on-one classes siya sa DepEd, isisingit niya ito kahit ano raw ang mangyari.

May galit pa rin kayang nararamdaman si Heart kay Marian Rivera? “Tapos na ‘yun, pareho na kaming naka-move-on. Sa akin, kinalimutan ko na ‘yun, matagal na. Huwag na lang natin pag-usapan dahil tapos na ‘yung issue between me and her,” pakiusap niya.

Kung sakaling magkaroon kayo ng project together, willing kaya si Heart na makatrabaho uli si Marian? “Oo naman, okay sa akin. Kung gusto niya. I’m okay kung okay siya. Ayaw ko ng stress. I’m always okay. Wala akong problema sa kahit kanino. If they’re okay, I’m okay. I’ll always be okay,’” say ng dalaga.

Binigyang-linaw ni Heart na kaya siya dumalo sa Star Magic Ball ay dahil naayos na ang gusot sa pagitan nila nina Mr. Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto kaya bilang respeto sa mga ito at dating talent ng Star Magic kaya present siya sa nasabing big event.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleSa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi Claudine Barretto at Raymart Santiago, mukhang tagilid na ang pagsasama!
Next articleKaisa-isang show sa Siyete, plano nang tigbakin Claudine Barretto, tinamad nang magtrabaho?!

No posts to display