Heart Evangelista, ginagaya raw si Gretchen Barretto

Heart Evangelista and Gretchen Barretto

Heart Evangelista and Gretchen Barretto

Ginagaya raw ni Heart Evangelista si Gretchen Barretto dahil mahilig na rin daw itong magsuot ng mga perlas.

Sa kanyang latest Instagram videos and photos kasi ay inirampa ni La Greta ang mga perlas niya. Talagang perlas ng silanganan ang kanyang peg lalo na roon sa isang party na kanyang dinaluhan.

“My idol la Greta…may gumagaya sa pearls necklace niyo po si @iamheart classy and sosyal tingnan sa idol ko si Gretchen,” one Instagram follower of Gretchen commented.

Nang makita naman namin ang Instagram at Twitter account ni Heart ay wala naman kaming nakitang photo or video na nakasuot siya ng perlas.

With that, nagmukhang tanga ang nang-iintriga kay Heart.

Speaking of Heart, nakita namin sa isang magazine online ang isang article kung saan ini-report ang growing celebrity clients ni Heart na nagpapa-paint sa kanilang designer bags.

Kabilang sina Maggie Wilson-Consunji, Kim Chiu, Carla Abellana Sen. Cynthia Villar, Princess Violago and Lebanese designer Fadia Dekmak sa latest clients ni Heart.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.