Heart Evangelista, gamit na gamit sa eleksiyon?!

OLA CHIKKA now na!! Dont make your Monday a blue Monday. Gusto kong ilabas itong isang item na ginawa ng kaibigan kong si Xixi Maturan tungkol sa controversial na pag-iibigan nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista. Kasi talagang shock ako sa mga nilalaman nito.

‘Eto ang laman ng mga sinabi niya sa Aliwan Avenue, na kung gusto n’yong makabasa ng mga hindi pa n’yo alam na mga kwento sa likod ng katotohanan, ayun mga sariwa at walang alinlangan ang mga nilalaman ng Aliwan Avenue na ang may gawa nito ay ang aking long lost friend na si Paul aka Xixi Maturan. Take note, wala akong ie-edit sa mga sinabi niya, kayo na lang ang humusga. Bagkus parehas naming kababayan itong si Chiz, pero ‘ika nga, walang personalan, trabaho lang.

“Nabuo ang tambalang Chiz Escudero at Heart Evangelista, obvious namang p’wede na sila, kasi dinispatsa ng mukhang uhuging senador (pakinggan n’yo ‘pag naglilitaniya sa TV, ‘di ba parang he is taking trough a wall of phlegm? Eowwww), ang kanyang pinakasalan just a breath ago. Hindi katakatakang magkaroon ng ganitong senario lalot nat bet na bet ng masang tinampalasan ang mga ekbam ekbam na love affair between political and entertainment celebs.

“For reasons unknown to a lesser mortal, hanggang ngayon ay hindi pa clarado kung bakit kinick-out ni Chiz ang maganda namang jowa na nagbigay sa kanya ng bonggang kambal from the scene. Dapat kasi, hinimay sa publiko kung bakit, dahii isinapubliko na rin lang naman nila. Although maraming haka-hakang nakakahikang lumabas, we are not making patol to any of those for a simple reason that stocked smoke in a vacuum consumes momentum (?).

“Ngayon nga, pati si Sen. Miriam Defensor Santiago ang nagsilbing bugaloo (read: matchmaker) para magkaigihan ang dalawa. If you are ignorant kung bakit umeepal si Ateh Miriam, it’s bacause mag-BFF sila ng payatolang aktres.

At ito na nga, lumalabas na pinagsasabong sa media sina Chiz at Heart, para sa preparasyon ng ambisyong pampulitika ng nauna. Pinababangong pilit ng kampo nila ang imahe ng senador para maging quick recall agad sa tao, sa tulong ng aktres. Parang hindi nila inalintana na hindi naman ganon kasikat si Heart.

“Una sinubukan nila ang kilig ng patutsaderang Kris Aquino pero, mukhang marami silang natuklasang kaaliwas-wasan, kung kaya’t retreat ang beauty nila. CONSPIRACY na rin itong matatawag dahil sa ladlarang pagwawagwag ng intensyong malayo sa personal na pangangailangan. Feeling nila maiaangat ni Heart ang leverage ng kampanya ni Chiz para sa presidential election. Feeling nila, game ang madlang tanga sa ganitong kalakaran ng subliminal campaign way long before the actual campaign period. Kayo feel n’yo ba ang ‘PUSOT’ KESO CONSPIRACY’?!”

Well kung ako ang tatanungin, sa true hindi na kailangan ni Chiz ang kung sino mang artista para makatulong sa kanyang kampanya. Napatunayan na niya ‘yan nu’ng unang pasok niya sa pagka-senador na wala siyang ginamit kahit sino man bagkos ang taong bayan ang humusga sa kanya lalo na ang mga kabataan. Kasi ‘di ba sabi ni Gat Jose Rizal, nasa kabataan ang pag asa ng bayan?

Nasa top 5 siya, nagkataon lang siguro na nagkakilala sila ni Heart sa panahon ng election. Hindi mo naman p’wedeng saklawan ang taong nagmamahalan, kahit sino ka man. Kung totoong nagmamahalan nga sila ni Heart, at kung gagamitin ni Chiz si Heart, mas pabor pa ako na si Kris, kasi may kaalaman na rin si Kris pagdating sa pulitika or anything under the sun.

Si Heart? Hindi ko siya hinuhusgahan, parang kulang pa sa kaalaman, ganda lang ang puhunan, ‘di ba? Mapatutunayan natin ‘yan katulad nu’ng sinabi ko na pagkatapos ng election kung sila pa rin. Kaya let’s wait and see na lang, ‘di ba naman, Xixi? ‘Yun lang!

PITIK BULAG: Sino itong de kalibreng aging comediene na may jowang bagets na as in parang anak na lang niya, na halos ubos na ang datong kasi nalululong sa sugal? As in Casino Queen na raw ang tawag sa kanya, kasi nagbababad daw ito sa casino na hindi na nagpapalit ng underwear.

Sabi nga, ito na ang umpisang bumalik na sa dating kinalalagyan si Ace Comediene. Sayang naman kung totoo ito, matagal niyang pinaghirapan ang kanyang kinita, hindi biro hanggang sa magkanda haba na ang baba sa kawo-work!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Heart Evangelista, gamit na gamit sa eleksiyon?!

  1. The story is not credible enough. You can’t even write it in a decent way kaya nkapapagod basahin. Can’t you just be happy for both of them? In case nagpagamit nga si Heart, well it is her life, choice nya yun.

  2. Kau talagang mga writers anu ano ang mga sinusulat nyo para lang talaga may masulat,kahit d nman totoo at paninira lang,..tsk tsk tsk,.bruha ang xixi na yan,d dw sikat si heart,nagpapatawa ba sya!? Just be happy for them nlang and stop making wrong articles abt them..

  3. Hay naku! Swarding,inggit lang ang xixi na yan ky heart,base on sa mga sinasabi nya,hindi maganda ang mga sinasabi nya abt ky heart..tinawag pa nyang payatot at d sikat… Walang maniniwala sa inyo at isa pa wala nman kayong alam sa kanilang dalawa,puro lang kau hula..dba!?

  4. BRUHA kang bakla-talyada gaga! masyadong obyos naman ang blind item mo. sa magkahaba ng baba kakawork e di si Aiai de las Alas ang tinutukoy mo. wah kang pakialam kung mag-Casino at mag pa huthut sa kinakasama niya. Gaga ka talaga at wala kang pinagkatandaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.