Heart Evangelista at Carla Abellana, patalbugan sa pag-i-Ingles

Carla-Abellana-Heart-EvangelistaOUR INGLESERO friends only had words of sheer admiration sa natutukan nilang interview ni Heart Evangelista sa Startalk (April 13) kay Carla Abellana.

In her segment Heart of the Matter, the interview zeroed in on what “mattered” to the “heart” of Carla na umaming break na nga sila ng kanyang boyfriend of four years na si Geoff Eigenmann.

But more than Carla’s confession, our friends na matataray pagdating sa Ingles na daig pa ang mga propesor particularly took note kung gaano kahusay ang dalawang hitad sa wikang banyaga.

Heart may have been fed with questions written on the board, pero as always ay meron siyang sariling input o adlib. Napaka-spontaneous din ni Carla, na sa kabila ng kanyang madamdaming rebelasyon ay flawless ang kanyang pag-i-Ingles.

Truth is, bukod kina Heart at Carla sa hanay ng mga Kapuso stars, isa rin si Bela Padilla sa mga matatas pagdating sa pagsasalita ng wikang Ingles. Sayang nga lang at nasa TV5 na ang dating Kapuso actress na si Bianca King, she, too, is just as fluent.

Katuwaan tuloy ng aming mga kaibigang Inglesero: sinu-sino raw ba sa mga artistang babae sa ABS-CBN ang puwedeng ipantapat kina Heart, Carla at Bela sa departamentong ito?

Anne Curtis? Check. Julia Barretto? Check. But both are much younger. As we write now, wala na kaming iba pang maisip.

Lest we be accused na ang pamantayan namin sa pagiging matalino ay sa pamamagitan lang ng pag-i-Ingles, hindi ito ang sukatan. Pero sa tanggapin man natin o hindi, isang napakalaking bentahe ang pagsasalita ng itinuturing nating ikalawang lengguwahe.

As if naman na kapag nag-a-apply ka ng anumang trabaho ay Tagalog ang karaniwang itinatanong sa aplikante ng kinatawan ng departamentong human resources o personnel. Na karaniwang nagtapos ng kursong (Industrial) Psychology.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

12 thoughts on “Heart Evangelista at Carla Abellana, patalbugan sa pag-i-Ingles

  1. Chek patalbogan lng sa english nikki gil ang peg walang hiya c heart patol may pamilya omg…….kadiri noh
    Marian english bgsak yan ky ann curtis

  2. Heart is really smart kahit hinde nkatapos ng highschool. You’ll know it during her stat interviews. Very matured and classy. My personal teacher siya sa bahay nila because she’s very rich

  3. no question..basta c heart e..wlang pantapat yan..shes born with an iconic style…beauty+brain+talent=BEYONDBEAUTIFUL!

    • Si Heart may brain? ni hindi nga nakapagtapos ng high school.

      Eto yung babae nagsabi na gustong kumuha ng law kahit isang sem. lang basta lang daw masabi lang na kumuha siya ng law.

      Hindi ba niya alam, di basta-basta tumatangap ng students sa college of law, mataas ang criteria nila at kailang may pre-law o kay graduate ka muna ng ibang course.

      Yan ba ang may brain, eh puro yabang lang alam ni Heart.

      Marunong nga mag-english pero wala naman sense ang sinasabi niya.

      Ni hindi siya conversant sa english.

Leave a Reply

Your email address will not be published.