Heart Evangelista, ayaw isali si Sen. Chiz Escudero sa pagka-showbiz niya

PABOR DIN daw si Heart Evangelista sa ipinananawagan ng sambayanan ngayon na i-abolish na ang pork barrel. Suportado raw niya ang mga taong nagsusulong ngayon nito.

“They (the government) should really take it out,” aniya. “I think corruption all begins with that. It’s just really a source of corruption.”

Dati raw, she does not pay attention much about national issues. Pero ngayon, she find time daw to update herself tungkol dito. Na dapat lang naman nga siguro since ang boyfriend niyang si Chiz Escudero ay isang senador at kung minsan ay nagiging paksa rin ng kanilang usapan ang tungkol dito.

Nagri-reflect sa aura ni Heart na masaya siya at kuntento sa buhay niya ngayon. Matapos ang mga kontrobersiya at pagsubok na pinagdaanan nila ni Senator Chiz, maayos naman ngayon ang estado ng kanilang relasyon. At okey rin ang takbo ng kanyang career.

“I’m doing a movie now. Meron din akong bagong soap sa GMA-7 with Sid Lucero, Alessandra de Rossi, Ping Medina, at marami pang ibang artista na magagaling.

“I’ll be very busy na naman almost everyday. But no complains. Because at the end of the day, we all wanna work. And you know… think about the future, ganyan.”

Nami-miss daw ni Heart ang ginawa niyang paggi-guest ko-host sa showbiz oriented talk show na Startalk. Kung magiging maluwag daw ulit ang kanyang schedule, she would love to do it again.

“Natutuwa ako because nai-enjoy ko talaga ang Startalk. It was something that I was against before. Dahil nga parang feeling ko… nakiki-tsismis ako sa buhay ng ibang artista. But I guess bilang isang artista, naiintindihan ko rin how you can be sensitive. And kung paano mo rin ibabalanse lahat.”

What if sa susunod na pagsabak niya sa paghu-host ng showbiz talk show gaya nga ng Startalk, si Senator Chiz ang maging subject niya for an interview? Okey lang kaya sa kanya?

“That’s something that of course I’m open to. Pero it’s something na iniiwasan ko. Ayoko rin kasing masyadong ihalo si Chiz sa pagiging showbiz ko. ‘Coz it’s a totally different field for him. And sini-separate ko ‘yong dalawa. In a way, wala namang problema sa akin. Pero iniiwasan ko. And I guess I can always be open about my lovelife. But to be so public like that, I don’t… I’m not for it anymore.”

Since the time na umamin sila ni Senator Chiz tungkol sa relasyon nila, madalas ay hot item ang tingin sa kanila ng marami. Na halos lahat ay laging nakaabang kung ano ang update sa kanilang love story. O kaya ay kung may bagong intriga o issue about them.

Ramdam ba niya ‘yong gano’n na lagi silang sentro ng atensiyon ng publiko?

“No. I don’t really care. And we’ve been very quiet. Everything is very good. Gano’n naman talaga. In the beginning there’s always noise… ganyan. But eventually you know, mawawala rin ‘yong ingay. So, okey lang.”

Sa kabila ng mga controversies at matitinding issue na pinagdaanan nila ni Senator Chiz, nakakatuwa na parang napaka-positive ng pananaw ni Heart ngayon. She seems to be more settled nowadays.

“Yeah! I guess it comes with age also,” nangiting sabi ni Heart. “And… experience din. When there are things that happened in your life, there’s nothing you can really do about it but wait for it to pass. And you learn from that. So, I’m really okay now,” sabi pa ni Heart.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Heart Evangelista, ayaw isali si Sen. Chiz Escudero sa pagka-showbiz niya

Leave a Reply

Your email address will not be published.