Heart Evangelista at Daniel Matsunaga, malabong maghiwalay?

 

MATAGAL NA hindi nakita ang magkarelasyong Heart Evangelista at Daniel Matsunaga na magkasama in public kaya marami sa mga mahadera ang nag-aakalang may pinagdadaanang problem ang kanilang relasyon. Kamakailan lang ay naispatan ng mga utaw ang ka-sweetan ng dalawa sa isang event at talaga namang walang anumang bakas na nagkaroon sila ng something. Nagsimula kasi ang intrigang hiwalay na ang dalawa nang hindi sumama si Heart sa birthday celebration ni Daniel sa Palawan. Ayon sa Tsinitang aktres, wala raw nagbawal sa kanyang sumama sa Palawan noong birthday ng model-actor. Ayon kay Daniel, hindi nakasama si Heart sa kanyang birthday dahil naka-schedule nang lumipad ang aktres papuntang New York kasama si Senator Miriam Defensor-Santiago. Mukhang happy naman ang dalawa kaya malabong magkahiwalay sila ‘di ba? Dahil alam naming in love na in love sina Heart at Daniel sa isa’t isa na may posibilidad na mauwi na nga sa kasalan. Pero ayon kay Heart, sa tamang panahon pa raw ‘yon mangyayari. Ang mahalaga, nagmamahalan kayo, ‘noh! Piryud!

Photos by Ricky Agapito, Luz Candaba & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Comments are closed.