Heart Evangelista at Daniel Matsunaga, magkasamang topless sa isang litrato!

Hindi na nga umapir pa si Kris Aquino sa huling araw n’ya dapat sa Pilipinas Win Na Win bilang host last Friday, October 1. Umiwas na raw ang TV host-actress na magpaalam pa on national TV sa mga maiiwan n’yang co-hosts, especially kina Valerie Concepcion and Pokwang para hindi na sila lalong mag-iyakan pa.

Nag-text na lang daw si Kris kina Pokwang at Val, ayon sa dalawa, the night before last Friday at nu’ng huling araw mismo ng pamamaalam n’ya sana sa kanilang noontime show. Ang chika ni Pokie sa amin, pinakiusapan daw s’ya ng Queen of All Media thru text na naging super close n’ya na huwag nang umiyak pa, dahil isang linggo na s’yang umiiyak at baka mamaga ang kanyang mga mata.

Pinili ni Kris na pumunta nu’ng araw na ‘yon sa Our Lady of Manaoag Church sa Pangasinan. Ito ang aming nabasa sa kanyang Twitter account that day at 8:19 a.m.: “Left 3 AM. Made it for full Rosary & Mass in Manaoag. I wanted to start the month w/ a spiritual effort. I need Mama Mary’s intercession to help me become even closer to Jesus. The trip was long but so fulfilling!”

Kasalukuyang nakabakasyon muna ngayon si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby at mga yaya lamang nito bago mag-umpisang mag-shooting ang aktres ng kanyang filmfest movie na Dalaw for Star Cinema sa Lunes, October 11.

SA LINGGO NA nga ng gabi (October 10, 2010 o 10.10.10) magsisimula ang bagong show ni Sharon Cuneta na Star Power sa ABS-CBN.

Nabalitaan namin na nag-workshop o nag-rehearse daw ang mga contestant kasama ang Megastar sa ELJ building ng ABS bandang alas-diyes nang gabi hanggang mga alas-kuwatro nang madaling-araw.

SA GINANAP NA First StarStudio Magazine Celebrity Style Awards last Sunday sa Dusit Hotel sa Makati, pinabulaanan daw ni Jericho Rosales na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Cesca Litton.

Pinili naman daw ni Cesca na huwag na munang magsalita about the issue sa kinabibilangan n’yang talk show na E-Live last Saturday, ayon sa isa sa mga boss ng TV host sa nasabing show.

Totoo rin kaya na nagiging sakit na rin diumano ng ulo si Cesca sa E-Live? Just asking.

MAGBABALIK-SHOWBIZ NA ANG dating sexy star na si Katrina Paula, na may hawig sa younger sister ni Rica Peralejo na si Paula Peralejo, who is back in shape now!

Nagtrabaho si Katrina bilang waitress sa Singapore para matustusan ang pag-aaral at pangangailangan ng kanyang tatlong anak. Pero na miss n’ya raw ang show biz, kaya magbabakasali s’yang bumalik.

Kahit mother role na raw sa isang teleserye at pelikula ay keri lang na gampanan ni Katrina. Paborito n’ya raw ang Magkaribal. Gustung-gusto n’ya raw si Bea Alonzo, dahil ang galing umarte, habang namamangha naman daw s’ya sa ganda ni Gretchen Barretto. Crush n’ya naman daw si Derek Ramsay, dahil lalaking-lalaki raw ang dating ng aktor at mukhang masarap. “Pero bagay na bagay sila ni Angelica Panganiban,” sey ni Katrina.

MUKHANG IN LOVEY na in lovey na talaga sa isa’t-isa ang mag-dyowang Heart Evangelista at Daniel Matsunaga!

Imagine, may sexy at very sweet pictorial ang dalawa na shirtless si Daniel at tila topless si Heart na para sa kanila lang yatang dalawa ang mga kuhang ‘yon, hindi para sa isang TV projects o saan man.

Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

24 thoughts on “Heart Evangelista at Daniel Matsunaga, magkasamang topless sa isang litrato!

  1. they are a gorgeous pair sana.. but di ko type yun sexy shot nilang dawala.. na-off ako sa suot ni Heart, cheap ng dating

  2. ang bilis makipag bf ni heart para lang nagpapalit ng damit at panty hehehe….

    akala ko ba strict ang parents nito?

  3. SI HART LAS-PAGG NA YAN…sayang ang fez mo day!!! ang bilis mo magpalit ng BOYS…ingat ka lang baka my sakit ka na lol

  4. Heart E. Pa wholesome ang image, hindi bagay sa mga pinaggagawa niya. Parang nagpalit lang ng damit kung makapagpalit ng bf! Maypa-focus2x pa sa career muna daw.. at enjoy muna ang self, yun pala.. bumigay na. haha. To top it all, nag-top less pa. wahahaha

  5. INGGIT LANG KAYO KASI GWAPO SI DANIEL

    EH ANO NMN KUNG SUPOT ! …

    MAMIMILI KPABA KNG GNYN ANG MKKITA MO SA KAMA !

    PA CHOOSY KPA,BAKiT YUMMY KA NGA BA !!

    WAHAHHAHA!!

    • hoy clara, ang arte mo!!! at sino para pagkwentuhan ka ng kapuso ha aber, sige nga…kung ano-ano ang sinasabi mo, baka mamaya pag nakita mo si Daniel himatayin ka.. tumigil ka nga diyan..pangit mo siguro kaya nagpapansin ka no..

  6. Ano ba to 3 sentence lang ang para kay eart at daniel na may kilig factor at the rest sa mga taong gustong magkaroon ng publicity mileage…maiya ka naman sa sytle ng pagsusulat mo.
    hahahahhahahha

  7. ganyan ang ginagawa nila para basahin mo iyong article nila. iyong title kung sino iyong mas interesting sa ngayon. tapos isisingit nila iyong may bayad para mabasa mo. he!he! kesa may mga artista na nega na ayaw basahin kasi nakakasawa na at paulit ulit na lang ang intriga nila. pati pinakapersonal na laman ng buhay nila gagamitin para to keep their dying career alive. para di sila makalimutan, magbabayad sila para maisulat at di mawala sa sirkulasyon. parang pagkain iyan na ayaw mong kainin, isisingit at ipapalaman at isasama doon sa mas “uso” o mas “in” na pagkain.

  8. ilogical ung title mu sa laman nang context..the picture and title is about Heart and DAniele while the context is about kris, jerecho and cnu cnu pa….sure ka ba sa sinusulat mu…

  9. hindi naman topless si heart..kita ko na yun picture na yun..yung isa naka tube siya tapos yung isa balikat ang nakalabas sa kanya..grabe naman..

  10. and pinakita na po un sa tweetbiz,,kaya po kungagsusulat kau sana ung tama…

    kac madaming taong madudumi ang utak..hahhahha

  11. hindi po un topless at its not a privte pic….kaloka…..

    it was for her friend’s/make up artistz make up portfolio….

    may damit po sila sa pic…hahahaha kakatwa lang…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.