Heart Evangelista, ang “landi-landi” sa harap ni Sen. Chiz Escudero

Heart-Evangelista-Chiz-EscuderoHeart-EvangelistaHEART EVANGELISTA turns older (and wiser in love?) today, mismong Araw ng mga Puso. Sa kasalukyan, the TV host-actress is vacationing in Hong Kong with her friends on an all-expense paid trip courtesy of her boyfriend Senator Chiz Escudero.

Sa nakaraang episode ng Startalk nitong Linggo, maagang ipinagdiwang ni Heart ang kanyang kaarawan, and what a more fitting gimmick to fire up her segment Heart of the Matter than having the bedimpled solon as guest.

It was one of the solon’s rare TV appearances in a showbiz-oriented program at that. Was Heart caught by sheer surprise nang bumulaga from behind the studio set ang kanyang dyowa? Parang hindi naman.

Hinati sa dalawang bahagi ang segment na ‘yon: una with all hosts except for Joey de Leon; at ang pangalawa ay fast talk sa magkasintahan.

But the more exciting, scintillating part ay ‘yung una kung saan ang “landi-landi” ni Heart who would repeatedly call her boyfriend “Babe,” while Chiz would melt in shyness.

Sa bahaging ‘yon, pinakawalan ni Heart ang kanyang “kalandian”, tulad halimbawa ng pagpapahaging na gusto na niyang magpakasal sa senador at ang pasumpa-sumpa niyang ito na raw ang huling lalaki sa kanyang buhay.

Lumabas din mula sa bibig ni Heart ang kanyang pagiging “unfaithful” noong sila pa ni Daniel Matsunaga. Sa mga hindi nakakaalam, Chiz and Heart are 128 steps away from where they reside in the same subdivion.

There would be times na nakikita raw ni Heart ang kasimplehan ni Chiz who would come out of the house dressed in T-shirt and boxer shorts. At kahit dyowa na raw niya noon ang Brapanese model, “Guwapung-guwapo talaga ako sa kanya (Chiz)!” But Chiz was still married at that time.

Kapansin-pansin din ang pag-i-initiate ni Heart while seated beside Chiz, it was she who would grab the lawmaker’s hand.

Maaaring ipinagbanduhan na ni Heart ang kanyang “kakirihan” on national TV, but such coquettish behaviour—in fairness—was not in bad taste. And who cared? In love na in love ang hitad, so the public might as well give it to her!

 

EKSAKTONG ONE season na ang episode bukas ng Picture! Picture!

Mga power women kung tutuusin ang apat na maglalarong celebrities : isang pastry chef, isang self-confessed sugar mommy, isang public servant at isang palabang ina. Just who are they? Sila sina Bettina Carlos, Keanna Reeves, Angelika de la Cruz at Jaclyn Jose.

Kaya expect one helluva fun show na hindi dapat palampasin if only dahil sa kumpetisyon among these for Kapuso actresses! The suspenseful part is that even the viewer is clueless kung ano ang mga susunod na pangyayari, as the players themselves don’t know who gets to stay in the game.

What’s more, paminsan-minsan nagtutulungan sila, naglalaglagan at nagtatarayan pa!

Sino kina Bettina, Keanna, Angelika at Jaclyn ang aabot hanggang sa half-a-million peso jackpot round? Abangan bukas sa Picture! Picture! hosted by Ryan Agoncillo, 6pm sa GMA 7.

 

May edad na mahusay na aktor, suki ng pirated DVD!

 

BLIND ITEM: Sa isang sprawling university naispatan ng TV crew ang isang may edad na pero mahusay na theatre/TV/film actor na tinatalakan ang may-ari ng puwestong nagbebenta ng mga pirated DVDs katabi ng isang barbekyuhan.

Bakit daw roon pa napili ng stall owner na magtinda ng naturang kalakal? Maagap naman ang TV crew na dinig na dinig ang pasigaw na paninita ng aktor, kaya pasimple nilang kinunan ang nahuling tagpo.

Naloka na lang daw ang TV crew nang maya-maya pa’y humupa na ang galit ng beteranong aktor at nakita nilang he was sifting through the DVD files neatly arranged according to genre, sabay narinig nilang nagtanong ito sa tindera ng, “May kopya ka ba ng Kimidora?”

Da who ang aktor na ‘yon? Itago na lang natin siya sa neymsung na Tonette Mabusisi.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Heart Evangelista, ang “landi-landi” sa harap ni Sen. Chiz Escudero

  1. Kulang na lang lumuhod ang inglesirang very classy very intelligent very loving daughter na si heart at magpropose ng marriage kay chiz. Very fiipinalike.

  2. BASTOS naman ng dila ng baklang Ronnie carrasco na Ito. Pwede namang maisulat ang mga artista pero kailangan pa bang mambwisit sia sa mga lambingan ng mga mag sweethearts tulad ni Chiz and Heart? Hey 20th century na tayo, hindi kapanahunan ni Maria Clara na hindi mag hawakan ng kamay at mag titigan, kalandian na pala ang tawag nia sa mga nagalalambingan, palibhasa bakla, hindi sia free makita ng public ang gusto nia, kunyari pa me bigote pero sa mga sinusulat nia halatang inggit sia.

Leave a Reply

Your email address will not be published.