Heart Evangelista’s father belittles Daniel Matsunaga?

INIINTRIGA ANG TUNGKOL sa lam-bing na hiling kay Heart Evangelista ng kanyang ama na kung maaari ay huwag muna raw mag-aasawa hangga’t hindi pa ayos ang financial status ng anak. Ito’y dahil napi-feel daw nga kasi nito na parang anytime ay puwede nang maisipan ng aktres na pakasal na sa boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang nagiging tanong, nata-takot daw ba ang father ng dalaga na baka hindi kayang buhayin ni Daniel si Heart sakaling makasal sila? Kung sa bagay, para raw kasing hindi pa nga stable ang Brazilian-Japanese-model-turned-actor kung financial aspect ang pag-uusapan. Hindi pa kalakihan ang kita nito sa modeling at pag-aartista.

Sa isang banda, tingin naman namin ay walang dapat na ipang-intriga kung inaawat nga si Heart ng daddy niya na huwag munang mag-aasawa. Lalo na at vocal naman ito, pati na ang ina at buong pamil-ya ng aktres na hindi sila tutol kay Daniel kung sakaling ito na nga ang makakatuluyan ng aktres.

Nag-aalala lang siguro ito kasi, nasanay na sunod sa layaw ang anak na si Heart. Nasabi rin naman ng aktres na kaya ito naghahangad na masigurong may sapat na mapagkukunan ng kita ang anak para umano hindi mahirapan sa panahong magkaroon na nga ng sariling pamilya.

Wala rin kaming nakikitang masama kung panay man ang advice kay Heart ng ama na huwag munang magpapakasal.  Gusto raw muna talaga kasi nito na matulungan ang anak na maisaayos ang pinansiyal na estado ng aktres at ang tungkol sa business. Para at least daw, kahit hindi na siya mag-artista, kung may sapat na kita, makakaya pa rin niyang ma-maintain ang nakasa-nayang lifestyle.

Ang fear pa nga raw ng Daddy ni Heart, baka raw kasi maawa sila sa aktres na ma-depress siya kapag humantong sa situwasyong hindi na niya mabili ang mga bagay na kanyang gusto. Kumbaga, maaari raw na sa ngayon, iniisip ni Heart na hindi niya iindahin sakaling maranasan ang   gano’n.   Pero  tiyak  umanong iba na kapag ando’n na, hindi umano malayong mahirapan nga siya.

Hindi naman siguro nito intensiyon na maliitin ang mamanugangin si Daniel. Kasi’y tanggap naman nga ang binata ng buong pamilya ni Heart. Pero bilang magulang nga, normal lang na mag-isip nga ang ama ng aktres kung paano maaalalayan at magagabayan ang anak patungo sa financial stabi-lity.

Si Heart naman, talagang totally happy raw sa ngayon sa relasyon nila ni Daniel. At aminado siya na isa umano ang binata sa dahilan kung bakit sobrang positibo ang outlook niya sa buhay ngayon.

Mabait daw si Daniel. Pasensiyoso. Inihahalintulad pa nga ito ni Heart na parang isang anghel nga raw talaga na biglang dumating sa buhay niya.

Ganyan?

KAPAG MADARAAN KA ngayon sa bahagi ng Quirino Highway sa Novaliches, Quezon City kung saan naroon ang compound at building ng TV5, nakakapanibago talaga. Wala na kasi ang dating matao at masayang tanawin sa harap nito sa pagitan ng mga oras before and after na umere ang top-rating na primetime show ni Willie Revillame.

Nakakalungkot tingnan ang biglang pananamlay ng area sa may gate ng Kapatid Network kung saan dating nagsisipila ang napakara-ming taong nangangarap na mabago ang buhay at maambunan ng su-werteng ipinamamahagi ng Willing Willie. Pero for sure, hindi isinusuko ng mga taong ito ang pag-asa na pasasaan ba’t muling magbubukas ang pinto ng pag-asa at makikipila ulit sila.

Gaya nga ng naipangako ni Willie nang magpaalam siya kaugnay ng pansamantalang pag-u-off the air ng show, hindi niya hahayaang maputol ang paghahatid niya ng saya at pag-asa sa sambayanan. Anuman ang mangyari, itutuloy niya ang adhikaing ito. Kaya ang masang Pinoy, nag-aantabay sa muling pagbabalik on air ng Willing Willie na sabi nga ay after Holy Week ay magri-resume na ulit.

Dasal ng mga tagasubaybay ng programa, sana. Hindi raw nga kasi kumpleto ang bawat gabi nila kung wala at hindi nila napapanood sa primetime si Willie at ang programa niya.

Oo nga!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Related Post

loading...

10 thoughts on “Heart Evangelista’s father belittles Daniel Matsunaga?

  1. tama lang na nangyari yan. tinuturuan lang ni Willie na maging tamad ang mga pilipino. pumila na lang sila s paghahanap ng trabho. magdasal sila n mabigyan ng trabho hindi magdasal para magkaroon ng instant money. kumayod kayo para mabago ang buhay niyo hindi s ganyang paraan.

  2. Hmm..nalulungkot ka dahil matamalay na ang TV5 Station dahil sa pagigiging off the air ng show ni Willie..pero ang mga motorista..malamang tuwang-tuwa at maganda na ang daloy ng trapiko roon :)

  3. buti nga wala na yun pila na yan sa quirino highway dahil nakakasagabal sila s traffic.. kung gusto nila magpapila ng tao dun sila sa loob ng compound ng tv5 pumila!

  4. Nag be Belittle tong ama niya? Kaya nga nasunugan ng bahay akala mo matauhan…imbes na tumino ang paiisip lalong lumala. Matapobre.

  5. dand,true,feeling ng pamilya ni heart super yaman nila,d nman,hambog cla,kahit c heart kong magsalita,laging binabanggit na kesyo may ganito cla,ganyan cla,tong c heart nman kala mo npakamodest nia eh nakipaglive in na ito ky echo,tapos ung c daniel d pa babango ang pangalan kong d pinatulan ni heart,nakakalalaki ung ama ni heart

  6. duh!!! willing willie? watever!!! agree ako sau koljack!!! buti nga sa kanya. pano kasi napaka unprtofessional host dina dala yung mga basura nya sa trabaho nya.. kung gaano kataas ang lipad ganun din ka taas ang bagsak!!! buti nga.

  7. willing willie pweeH!!! kaya nagsisipila ang mga tao jan sa weirding weirdy dahil sa PERA un lang un period!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.