Heart didn’t accept new project to protect wholesome image

SINA RHIAN RAMOS at Isabel Oli ang napisil ng PLDT MyDSL para maging “It Girls” nila na siyang mag-a-unveil sa mga activities ng mga aktibidades ng MyDSL para sa taon’g ito.
Last year, namayagpag sa nasabing promo si Nancy Castiglione, na eventually eh, nakilala na lang as Nancy Jane, with the EB Babes na kinabibilangan ng bagong girlfriend ngayon ng ex ni Isabel na si Paolo Contis, si Lian Paz.

Sabi ni Sir Gary, sasama pa rin daw ang tropa ng EB Babses sa pag-iikot ng “It Girls” na sina Rhian at Isabel kaya, hindi malayong magkita ang past at ang present ni Paolo sa kanilang isasagawang mga aktibidades soon.

Say naman ni Isabel, hindi naman daw siya kailangan ma-bother about it. Pupunta naman daw siya sa mga activities ng PLDT MyDSL bilang endorser nito at kasama nga sa kontrata niya ang maging bahagi sa pagpapalaganap nito sa iba’t ibang lugar na pupuntahan nila nationwide.

Tigilan na rin daw ang usapan sa pakikipagkita niya sa pamilya ni Paolo dahil nang huli raw siyang pumunta sa bahay ng mga ito eh, para lang kunin ang kanyang aso at hindi naman nila pinag-usapang si Paolo.

At ‘wag isnabin, ha? Nung ma-feel ni Isabel na hindi na nagwo-work ang relationship nila ni Paolo, isinoli raw niya ang engagement ring na bigay nito sa kanya as birthday gift. Pagod pa raw ang puso niya. A takot pa ring muling pumasok sa isang relasyon, kaya ‘yung pagli-link din daw at pagbabalitang boyfriend niya si Wesley Gonzales, na isang basketball player eh, hindi raw true!

Interesting na abangan ang pagsasama ng past and present ni Paolo, ha?

SA NASABING PRESSCON din, doon nagpasa-pasa ang kopya ng sagutan ng legal counsel ng GMA-7 at abugado sa panig naman nina Anabelle Rama at Heart Evangelista dahil nga sa napapag-usapan na ring balitang ayaw raw gawin ni Heart ang Muling Buksan ang Puso.
Puro nga katatawanan kasi ang nagpapalitang mga usapan. Kasi nga, mukhang hindi raw naintindihan ni Tita Anabelle sa pinirmahan nilang kontrata for Heart na ang sine-nobela eh, soaps sa hapon.

Kahit naman daw si Tita Anabelle, natawa rin nang ikuwento ito sa ilang reporters na nakaharap niya. Pero ang talaga raw iniiwasan nito eh, gaya na rin ng nakasaad sa sagot ng abugado nila sa nasabing istasyon, na sa edad niya at 23 eh, napaka-wholesome pa ng image ni Heart, kaya hindi raw ito puwedeng sumalang sa sobrang kissing and bed scenes.

Maidaraan naman siguro ang lahat sa isang magandang usapan. Kaya lang, sumasapaw naman ang isyu sa isa pang alaga ni Tita Anabelle na si JC De Vera. May kinalaman naman ito sa balitang lilipat na sa ABS-CBN si JC. May plano diumano si Tita Anabelle na habang wala pa naman itong gagawing proyekto sa Kapuso eh, pasasalangin muna niya sa soap na ginagawa ngayon ni Judy Ann Santos sa Kapamilya station. Kung puwedeng ipahiram muna ito sa soap ni Juday as part naman ng option sa kontrata nila, kung saan tatapusin muna nito ang kontrata niya hanggang Marso.

Kaya raw nagpupuyos ang galit ni Tita Anabelle, eh dahil sa bibigyan naman daw ng proyekto sa Siete si JC, kaso suporta na lang daw kay Marvin Agustin. Siyempre, papayag ba si Tita Anabelle eh, kagagaling lang sa pagbi-bida ng kanyang alaga?

Kung saka-sakali, magkakaroon na naman ng hidwaan niyan sa pagitan ni Tita Anabelle at mga kaibigan niya sa nasabing istasyon.

ON HIS OWN, nag-training sa isang fencing school ang aktor na si Jomari Yllana, para sa role niya sa Zorro. Taliwas sa unang nabalitang ala-Anthony Hopkins ang papel na gagampanan niya, siya na pala ‘yung ala-Antonio Banderas sa bagong show ni Richard Gutierrez.

Kaya, mas madalas ngayong nasa Bataan si Jom para sa mga eksena nilang walang katapusang espadahan. Pati nga raw si Goma (Richard Gomez) eh, kinalampag niya para siya bigyan ng pointers in fencing. At ang espada ni Goma ang kanyang nahiram para siyang gamitin sa mga eksena niya.

Brace yourselves na lang, dahil kahit may Zorro, nakatutok pa rin ang Fearless Productions ni Jom & partners sa pagdadala sa bansa ng dalawang David. Pomeranz? Foster? Uh-oh, no! Mas mga bata. At fresh!
The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.