Hearing sa request na TPO ni Claudine Barretto versus Raymart Santiago, natuloy rin

HINIHINTAY NA lang pala ang desisyon ni Judge Geraldine Macaraig ng Marikina Regional Trial Court sa Temporary Protection Order na hiniling ni Claudine Baretto laban sa asawa niyang si Raymart Santiago.

Nu’ng nakaraang linggo ang hearing nito na ang pagkakaalam namin hindi itinuloy dahil sa nagalit daw ang judge, sa dami ng media na gustong mag-cover.

Dapat kasi news blackout talaga ito at hindi ito puwedeng ilabas sa publiko dahil nasa family court ito. Pero mapipigilan mo ba ‘yan?

Una, ang kampo naman ni Claudine, o si Claudine din yata mismo ang nagparating sa mga kaibigan niyang reporters na magpa-file siya ng TPO, kaya lumaki ito. Tahimik lang naman si Raymart at ilang beses nga niyang tinatanggihan ang alok naming interview.

Anyway, natuloy na rin pala ang hearing nu’ng nakaraang linggo pero hindi na ito alam ng media. Kaya ang pagkakaalam namin, wala na silang hearing at hinihintay na lang nila ang desisyon ng korte.

Ang isa pang narinig ko, nakikipag-usap na raw ang Mommy Inday ni Claudine sa ilang kaibigang reporters at baka magsasalita na rin ito para ipagtanggol ang kanyang anak.

Si Gretchen Baretto nga ay ayaw na ring makisawsaw at mahirap na raw kung mahingan pa siya ng komento tungkol diyan. Hindi nga naman sila okay ni Claudine, kaya mabuting tahimik na lang siya.

Si Raymart talaga ay naglabas lang ng statement na itinatanggi ang lahat na ibinibintang sa kanya ni Claudine. Ayaw na niyang magsalita.

Nagbaba na nga ng gag order ang judge kaya hindi na talaga sila magsasalita.

Hintayin na lang natin kung ano nga ang desisyon ng korte sa TPO na hinihingi ni Claudine.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Hearing sa request na TPO ni Claudine Barretto versus Raymart Santiago, natuloy rin

  1. si klaw-klaw po talaga ang me gustong me coverage yan… dati pa dba? yung 5m withdrawal ek-ek nila, xa pa mismo ang tumawag sa isang reporter na magkita sila sa banko na iyon (with matching abogaga pa)… dvah? dvah?

Leave a Reply

Your email address will not be published.