Hearing ng kaso ni Vhong Navarro vs Cedric Lee et al, simula na

Vhong-NavarroNGAYON NA pala magsisimula ang hearing ng kasong isinampa ni Vhong Navarro laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee, at mga kasama nito.

Hindi na darating si Vhong dahil nauna na siyang pumunta nu’ng lumabas siya ng hospital.

Pagkatapos nito tatakbo na ang kaso at ewan ko kung hanggang kailan natin ‘to susubaybayan.

Ang tanong ngayon: kailan na babalik ng trabaho si Vhong? Kasi hindi naman laging nasa witness protection program na ‘yan.

Ang sabi kasi ni Direk Chito Roño, hindi pa raw nila alam kung kailan makababalik si Vhong sa It’s Showtime. Kung sakaling babalik daw siya sa trabaho, baka sa pelikula daw muna siya gagawa.

Ang dapat na gagawin ni Vhong ay ang pelikulang pagsasamahan nila ni Angel Locsin. Pero hindi na natuloy ang huli, at pinalitan na raw ito ni Ellen Adarna.

Nang lumabas ang pangalang Ellen Adarna, lumabas ang isyung kaibigan daw nito si Cedric Lee.

Pero nang tinanong si Ellen tungkol sa pagkakaibigan nila ni Cedric, ang sabi niya nakilala lang pero hindi naman daw ganu’n ka-close.

Hay, naku! Tingnan na lang natin kung ano talaga ang totoo. Kasi ang dinig ko lang, magkaibigan daw talaga sina Ellen at Cedric at hindi lang basta acquaintance, ‘no! Pero, matutuloy ba talaga itong pelikula ni Vhong? Abangan na lang natin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Hearing ng kaso ni Vhong Navarro vs Cedric Lee et al, simula na

  1. IT WON’T BE A SURPRISE IF EVER NA LUMUTANG NA MORE THAN FRIENDS ANG RELASYON NI CEDRIC TSAKA TONG STARLET. PAANO NA YAN, MAY LUMUTANG DAW NA CCTV FOOTAGE WHERE NAKITANG HINALIKAN NI KUYA CEDRIC SI MS CONEJO, AT SA MAY TAYNGA PA RAW. ANU YUN? FRIENDS KISS?

Leave a Reply

Your email address will not be published.