Health, Peace and Order Programs ng Navotas, Sinuportahan ng DOE, Aboitiz

PINAGKALOOBAN NG Department of Energy (DOE), sa pamamagitan ng Energy Regulations (ER) 1-94, ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng dalawang bagong ambulansya, apat na police patrol cars at anim na patrol motorcycles bilang suporta sa sa health and peace and order program ng lungsod sa ilalim ng administrasyon ni Mayor John Rey Tiangco.

Pormal na nai-turnover ang ang mga nasabing sasakyan noong ika-2 ng Setyembre sa Navotas City Health Department at City Traffic and Parking Management Office.

“This is a big help in ensuring reliable emergency response and good traffic situation in the city,” ani Mayor Tiangco.

Nakatanggap din ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng dalawang ambulansya, dalawang  police mobiles, walong  patrol motorcycles at apat na patrol motorcycles na may sidecar sa pamamagitan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) or pork barrel ni Cong. Toby Tiangco, kinatawan ng lone district ng Navotas noong kanyang unang termino(2010-2013).

Ang Energy Regulations 1-94 (ER 1-94) “is a government mandate generating companies to provide financial benefits to its host communities. The mandate was enacted to recognize the contributions made by the communities and people affected in the establishment and operation of power generating facilities.”

Dahil dito, ang Aboitiz Group of Companies na may operasyon sa lungsod buhat pa noong 2011, ay “required to set aside one centavo per kilowatt hour (P 0.01/kWh) of its electricity sales.”

Ani Joel Villanueva, Administrative Officer ng nasabing kumpanya, nakalinya na ang iba pang proyekto para sa lungsod batay sa criteria at project menu na nakatakda sa ER 1-94.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.