Health center sa Molo, Iloilo, kasado na

ILOILO CITY – KASADO na ang bagong health center na nagkakahalaga ng P2.9 milyong piso sa Barangay San Juan, Molo district, Iloilo City upang maglingkod sa mga pangangailangan sa kalusugan ng mahigit 8,000 residente ng nasabing lugar.

Ang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng Priority Development Fund (PDAF) sa tulong nina Congressman Jerry P. Treñas at Senator TJ Guingona, ayon kay City Mayor Jed Patrick Mabilog ng lungsod.

Si Guingona ay mag-uukol ng P2 milyon, habang si Treñas ay magbibigay sa P900, 000 upang masimulan na ang pagpapagawa ng health center.

Ang Barangay San Juan ay isang highly populated na lugar kung saan may mga tindahan, beach resorts at eateries kasama ang kalye ng Calumpang. Nagsilbi rin itong relocation site ng mga nasunugan.

Sa pagbisita ni Guingona sa opisina ni Mabilog, sinabi nito na handa siyang makipagtulungan sa mga darating pang magagandang proyekto sa Iloilo na popondohan pa rin ng PDAF. (Pinoy Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.