Health center, Binomba

BINALOT NG TAKOT ang mga residente ng Plaridel, Misamis Occidental bunsod ng pagsabog sa isang rural health center kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-1:30 ng madaling-araw nang gulantangin ng pagsabog ang Barangay Health Center sa Bgy. Looc.

Nang tunghayan ng mga tanod at residente ang nasabing health center ay wasak na ito at hindi na mapakikinabangan.

Lumalabas sa imbestigasyon na posibleng kagagawan ng mga mangingisda ang pagpapasabog gamit ang kanilang dinamita.

Sinasabing talamak umano ang iligal na pangingisda sa nasabing lugar gamit ang dinamita, kung saan madalas na may nahuhuli ang mga barangay tanod na mangingisda, kaya malaki umano ang posibilidad na ang nasabing pagpapasabog ay ganti ng mga ito.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente at duda ng otoridad na pananakot lamang ang ginawa ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.