HDO vs Delfin Lee Atbp, Nasa BI na

HAWAK NA ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang kopya ng hold departure order (HDO) na inilabas ng korte sa lalawigan ng Pampanga laban kay Globe Asiatique Realty Holdings Corporation owner Delfin Lee.

Si Lee ay nahaharap sa kasong syndicated estafa dahil sa umano’y maanomalyang housing loan na pinasok nito sa Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund.

Nabatid na nakapa-ngalan ang loans sa mga hindi matukoy na tao o “ghost borrowers” na sinasabing ginawa lamang upang magkamal ng salapi ang nasa likod ng deal.

Samantala, maliban

kay Lee, dawit din sa travel ban ang anak nitong si Dexter at iba pang Globe Asiatique executives na sina Christina Sagun at Cristina Salagan; bukod pa kay Pag-IBIG Fund official na si Alex Alvarez.

Sinabi ni Prosecutor General Claro Arellano na natutuwa sila na mas pinaboran ni Pampanga Judge Amifaith Fider-Reyes ang public interest at hindi ang karapatan ni Lee na makabiyahe sa ibayong dagat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “HDO vs Delfin Lee Atbp, Nasa BI na

Leave a Reply

Your email address will not be published.