Hayok na Manananggal: Chemistry nina Ryza Cenon at Martin Del Rosario, nakakapaso!

Martin del Rosario and Ryza Cenon

SI RYZA CENON siguro ang isa sa biggest surprise ng 2016 QCinema Film Festival. Dahil sa kanyang performance as Jewel sa ‘Ang Manananggal sa Unit 23B’, ibinigay sa kanya ang iconic role as Georgia sa #1 Daytime Drama na Ika-6 na Utos na humahataw sa ratings simula December 2016.

Sa wakas ay nabigyan ang majority ng mga Pinoy na mapanood ang pelikula ni Prime Cruz na naging daan para tingnan si Ryza ng mga critics na ‘more than just a pretty face’. Among the Starstruck Ultimate Female survivors kasi ay siya ang naging ‘one of those’ lang in terms of projects.

Nag-umpisa si Ryza bilang teen star at recently lang siya nag-decide na magpasexy by posing in a men’s magazine, pero hindi rin ‘yun nag-take off. Sabay ng paglipad niya bilang Jewel the manananggal ay sabay rin ng pag-soar ng kanyang showbiz career. Pati lovelife niya ay umariba rin dahil sa pelikula niya na-meet ang boyfriend na si Cholo Barretto.

Si Martin Del Rosario naman ay hindi nab ago sa mundo ng indie films. Maganda ang performance niya sa Dagitab ng Cinemalaya years ago at hindi rin ito maarte sa mga roles na pinagagawa sa kanya sa now defunct Kapuso show na Karelasyon. Presently ay napapanood ito as support sa Mulawin vs Ravena, pero deserve ng binata na mabigyan ng leading man role.

Bakit hindi na lang nila gawing bida sa isang project sina Ryza at Martin in the future?

Ryza Cenon and Martin del Rosario

Kung hindi kami nagkakamali, ang Manananggal film ang unang project nina Ryza at Martin bilang magkatambal kahit pa pareho silang nasa Kapuso network. Nag-uumapaw ang chemistry ng dalawa kahit sa sa silent and simple moments nila sa pelikula. Nag-build up ang nag-iinit nilang damdamin sa eksenang nagdadalamhati si Martin at bigla na lang silang naglaplapan na ramdam ng viewers ang pagkasabik ng characters nila sa isa’t isa.

Maganda naman ang pelikula – maganda ang pagkaka-arte ng lahat ng cast lalo na ang dalawang bida, visually appealing at ang music scoring ay nakatulong mag-set ng mood. May isyu lamang kami sa storya dahil pakiramdam namin ay mas napaganda at nalagyan pa sana ng depth ang character ni Jewel. Well, wala naman talagang pelikulang perfect.

‘Ang Manananggal sa Unit 23B’ ay palabas pa rin sa mga sinehan hanggang August 22. Kung mai-extend pa ito ay nakadepende na sa mga moviegoers kaya gora na!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.