Hayden Kho’s mom confirms he’s on drugs

NAKAPANGHIHINAYANG ANG MAHALAGANG pagkakataon sa ere ng ibinigay ng TV Patrol World kay Mrs. Irene Kho, ina ng kontrobersiyal at pinupukol na lalaki ngayon na si Dr. Hayden Kho, dahil nagmistulang kalyeng paliko-liko ang kinauuwian ng kanyang mga pahayag tungkol sa mga kasong kinasasangkutan ng kanyang binata.

Marami kaming nanonood habang naglilitanya ang ina ni Dr. Hayden. May biglang pumiksi sa panonood, “Ay, bulag ba ang mommy ni Hayden Kho?” May katuwiran ang nabigay ng reaksiyon, dahil nu’ng magsimula na sa pagbibigay ng litanya si Mrs. Kho, nakapikit siya, parang bulag, pero parang nagdarasal din ang kanyang hitsura.

Kung sinuman ang nagdesisyong puwedeng magpainterbyu ang ina ni Dr. Hayden sa telebisyon ay nagsisisi na siguro ngayon. Kung sinuman ang nagbigay ng basbas sa kanya na humarap na sa mga camera ng telebisyon, siguradong hiyang-hiya na ngayon.

Nagkamali sila ng hakbang. Sa halip na makatulong sa sitwasyong kinalulugmukan ngayon ng kanyang anak, nakasira pa si Mrs. Kho, siya pa mismo ang nagdiin sa kanyang anak sa mas matinding senaryo na kailangan nitong depensahan sa korte ngayon.

Nawalan ng saysay ang pagbasa niya ng ilang talata sa Bibliya, lalong nawalan ng saysay ang hinahawak-hawakan niyang krus, dahil kahit minsan, hindi niya nasagot nang diretso kung krimen ba ang ginawang pagbi-video ng kanyang anak sa pakikipagtalik nito sa iba’t ibang babae.

Ang pinuruhan niya ay sina Sen. Bong Revilla at Manay Lolit Solis. Galit ang ina ni Dr. Hayden sa aktor-pulitiko dahil nagkaroon ng balls ang mambabatas na lumantad at ipagtanggol ang mga babaeng naapi sa pagkuha ni Dr. Hayden sa kanilang pagtatalik sa pamamagitan ng isang nakakanlong na camera.

Maaasahan na ang ganu’ng reaksiyon ng ina ni Dr. Hayden dahil pinaninindigan ng senador ang kanyang posisyon, kailangang maparusahan si Dr. Hayden Kho. Dahil ang ginawa nito ay labag sa batas at isang malinaw na pagsasamantala sa kahinaan ng mga kababaihan.

Pero ganu’n man kagalit ang ina ni Dr. Hayden kay Sen. Bong, wala naman siyang masabing dahilan kung bakit. Palagi siyang nagtatago sa katuwirang “Ayoko nang magsalita pa, sawang-sawa na kami.” Dahil nga wala siyang masasabing mali sa ginawa ng senador.

SI MANAY LOLIT ang talagang pinuruhan ng ina ni Dr. Hayden Kho. Pero ang masaklap lang, wala siyang focus. Parang hinalong kalamay ang kanyang mga pahayag kaya walang matikmang makabuluhang komento ang publiko mula sa kanya.

Kesyo inimbita raw siya ni Manay Lolit sa isang malaking bahay, si Manay Lolit daw ang nag-orchestrate ng lahat ng kaganapang kinapapalooban ngayon ni Katrina Halili. Puro ‘wento, puro ‘wento, pero wala namang ‘wenta ang kanyang mga sinasabi.

Magulo ang mga pahayag ng nanay ni Dr. Hayden, kasinggulo ng takbo ng utak ng kanyang anak. Kung anu-anong senaryo pa ang kanyang binanggit na lalong nagdiin sa doktor ngayon.

Si Katrina Halili raw ang naglulong sa kanyang anak sa droga. Dalawa ang pananagutan ni Mrs. Irene Kho sa kanyang kumakagat na pahayag, kailangan niyang patunayan ang akto ni Katrina bilang pusher na buong-ningning niyang sinabi sa ere.

At ang malinaw na senaryo, siya pa mismong ina ang nagdiin sa kanyang anak. Si Mrs. Kho pa ang nagkumpira na lulong pala sa droga so Dr. Hayden Kho.

Hindi sapat ang pagsasalita lang. Lalong hindi sapat ang makaganti lang. At lalong-lalo namang hindi sapat ang makalusot lang.

Nakapanghihinayang na pagkakataon.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

4 thoughts on “Hayden Kho’s mom confirms he’s on drugs

  1. dr. hayden kho dapat alisan ka ng license I think you useless as a doctor.. and Dra. Vicky Belo do you really believed that hayden kho really love yous truly… I dont think so.. hes a dog and hes always be a dog.. look at him he does even know what to say or ow to defend his self…… kapal mo hayden grabe ka.. wla kang hiya talaga. just prove that you one worhless human being…. and you need to be abolished……

  2. everyone has its own right to its own opinion,, let say katrina enjoyed it with hayden.. but hayden does not have the right to record it… lalo na ang liit ng ari nya nakakahiya sya as in…

  3. Katrina Halili is not the victim of this case. She’s one of the most obscene, corrupted people that I have ever seen in my life. It is a shame that politicians like Bong Revilla and Lolit Solis are using this as a popularity boost. These people have no credibility at all. Schools started teaching sex education because of this scandal. They should of started this long ago; Maybe then poverty and prostitution would not be such a huge problem. If I were you Katrina, I’d go back to school. Maybe you will learn to respect your self and the others around you.

  4. napaka walang kwenta mo din e/ magsulat ka ng chismis hindi puro opinyon mo na mapanira lang/ malamang alam namin yan dahil nanunuod kami tv patrol/ ikaw nga mukha kang monay na sinawsaw sa acido/ may nakakapnaghinayang ka pa nalalaman dyan/ manghinayang ka dahil natanggal ka sa the buzz pano nababawasan ang viewers dahil nasusuka sa itsura mo cristinnelli

Leave a Reply

Your email address will not be published.