Hayden Kho’s camp retaliates against Katrina Halili and Sen. Bong Revilla Jr.

MABUTI NAMAN AT nagsalita na ang nanay ni Hayden Kho na si Irene Kho with matching bible at krus pa ‘yan, ha?!

Hindi man lang kinilabutan ang babaeng ito! May props pang mga religious materials, na sana ginamit na lang niya sa anak niya.

Sinabi ko na nga noon na bumilib ako sa kanya dahil nu’ng nagkita kami, umiirap pa ito sa akin, at least totoo siya na ipinakita ang galit sa akin. Hindi nga kasi nito ma-take ang mga pinagsasabi ko laban sa anak niya.

Pero itong si Hayden, akala mo mala-anghel na inosente at nagawa pa niyang makipagbeso sa akin, kahit alam naman niyang irita ako sa ginawa niya.

Ngayon, nagsalita itong nanay ni Hayden at sinabi niyang ako ang gumawa ng script, ako ang nag-orchestrate nito.

Pati ang pag-video ng anak niya sa mga babaeng nakatsugihan niya, ako rin ang nag-orchestrate?

Gusto pa nitong iligaw ang isyu na si Katrina raw ang nagdala kay Hayden sa pagdu-droga.

Diyos ko, ‘day! Siya ang doktor, dapat alam niya kung ano ang bawal. At isipin n’yo naman, isang doktor nagdu-droga?

Ang isyu rito, ang sex video na kinuha ni Hayden sa mga babaeng binaboy niya. Sino ang kumuha nito at sino ang nagkalat?

Hay, naku! Kung sino man ang nakapag-isip na ilabas ang nanay ni Hayden, pumalpak na naman.

Eh, ang komento ng mga nakapanood, parang ang nanay ni Hayden ang naka-droga dahil sa mga pinagsasabi nito.

Lahat na lang ginagawa nila para siraan si Katrina at pati na rin si Sen. Bong Revilla. Nagsisimula na sila ng demolition job sa dalawa. Pero sirang-sira na si Hayden at lalong dumarami ang nagagalit sa kanya.

Lahat naman ng suporta ay kay Katrina at naniniwala sila sa ipinaglalaban ni Bong.

Hintayin na lang natin ang pagsisimula ng Senate investigation sa susunod na linggo. Doon maglalabasan na ang buong katotohanan at sana nga, magsalita na ang mga taong involved dito lalo na itong mga dating kaibigan ni Hayden na pinagbibintangang nagkalat nitong sex video.

Habang may imbestigasyon sa Senado, nasa Paris naman si Dra. Vicki Belo kasama ang mga anak niya. Mabuti na nga ‘yun at sana makapag-isip nang mabuti roon si Vicki na dapat pahalagahan nito ang tunay na pagmamahal ng mga anak niya na laging nandiyan at nakasuporta sa kanya.

Sabi nga pala ng nanay ni Hayden na kumanta na ako? Sabihin ko na raw ang totoo. Sige kakanta na ako! Pag-aaralan ko muna ang kantang Careless Whisper at ang paggiling na may ka-partner pang nakapulang bandana!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Hayden Kho’s camp retaliates against Katrina Halili and Sen. Bong Revilla Jr.

  1. Katrina Halili is not the victim of this case. She’s one of the most obscene, corrupted people that I have ever seen in my life. It is a shame that politicians like Bong Revilla and Lolit Solis are using this as a popularity boost. These people have no credibility at all. Schools started teaching sex education because of this scandal. They should of started this long ago; Maybe then poverty and prostitution would not be such a huge problem. If I were you Katrina, I’d go back to school. Maybe you will learn to respect your self and the others around you.

  2. I agree with Dottie, He who hasn’t sinned cast the first stone. Hayden has all these collections (videos) for a long time, it was kept in his own privacy. Now, after his involvement with Dr. Belo (scorned woman) it all came up in the surface!

    Copyright infringement? Katrina was not forced to have sex with him, it wasn’t a rape case! She knows she is being filmed, during the careless whisper sexy dance number. She should have double check it and applied her woman instinct..maybe the cam is still on.. hmm.

    Immorality issues? They should start with GOVERNMENT OFFICIALS FIRST AND FOREMOST! We should clean our own filth first before cleaning up someone’s filth.

  3. TALAGANG MAY KASALANAN SI HAYDEN PERO LAHAT YATA NG NANAY LANG ANG NAGBIBIGAY NG UNCONDITIONAL LOVE SA KANILANG MGA ANAK. MARAHIL AY HINDI MO ITO MAIINTINDIHAN MS. SOLIS DAHIL NUNG MAGKAROON NG FILM FEST SCAM NA IKAW ANG UTAK WALA KANG NANAY NA NAGTANGGOL SA IYO. LAHAT TAYO NAGKAKASALA. MEDYO MAGPRENO KA NAMAN NG SALITA DAHIL HINDI KA MALINIS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.