Hayden Kho, wala nang gustong maniwala?! – Morly Alinio

GUMAWA PO KAMI ng sariling survey at ang limang kontrobersiyal na pinag-usapan this year ay ang sex scandal nina Hayden Kho, Katrina Halili at Maricar Reyes, kung saan pati ang Senado ay nabulabog dahil sa nasabing sex video na patuloy pa ring pinag-uusapan sa ngayon dahil nagsanga-sanga na ang isyu.

Ang isa pa rin sa kontrobersiyal na isyu sa showbizlandia ay ang pagkakaugnay ni Krista Ranillo kay Manny Pacquiao na hanggang ngayon ay may usok pa rin ang nasabing eskandalo. Kahit ano kasing pagde-deny ng dalawang kampo, para bang bingi ang mga tao at hindi naniniwala sa kanilang mga gawa-gawang kuwento. At siyempre, kasama na rin sa kuwentong ito ang muling pagkapanalo ni Pacman sa nakaraang laban nito kay Miguel Cotto.

Hindi rin makalilimutan ng sambayanan ang pagkamatay at paglilibing kay Tita Cory Aquino dahil hindi lang ang showbiz world ang nabulabog kundi pati ang buong Pilipinas, maging ang buong mundo.
Pasok din sa top five controversial issues this year ang pagpapakasal ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, dahil kahit inilihim nila ang kanilang pag-iisang dibdib, tinutukan pa rin ito ng mga tao at hindi rin nakaligtas sa malakas na radar ng mediamen.

Idagdag na rin natin sa kuwentong ito ang pagpapakasal nina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez na naging kontrobersiyal dahil ang budget na gagamitin sa reception ay idinoneyt nila sa nasalanta ng bagyong si Ondoy.

Ang balitang Ondoy ang nagluklok din kina Cristine Reyes, Richard Gutierrez, Angel Locsin at marami pang artista sa showbialandia para mapag-usapan. Iba-iba ang kuwento ng kanilang karanasan pero isa lang ang pinag-ugutan, ang hagupit ng bagyong Ondoy.

NAGSALITA NA SI Hayden Kho kaugnay sa ginawa niyang pagpapatiwakal diumano sa Silang, Cavite. Hindi itinanggi ni Hayden na totoong dinala siya sa mga ospital sa Silang pero hindi raw dahil nagpakamatay siya kundi dahil nagkaroon ng problema sa kanyang intestine kaya sumuka siya at nakaramdam ng pananakit ng tiyan.

Ayon kay Hayden nagpapasalamat siya sa mga taong naniniwala sa kanya kahit sabihin pang patuloy siyang iniintriga. Ayon sa kontrobersiyal na manggagamot, nalulungkot siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay sa ngayon, dahil kahit nananahimik siya ay wala siyang magawa kundi tanggapin na ang kung anumang sinasabi sa kanya ng mga tao dahil aminado naman siya na tao lang siya at hindi perpekto.

Sa kabuuan, isa lang ang wish ni Hayden this Christmas, ang katahimikan at ganap na kalayaan sa intrigang kanyang kinasasangkutan sa ngayon.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

8 thoughts on “Hayden Kho, wala nang gustong maniwala?! – Morly Alinio

  1. dapat lang sa mga manyak na ka2ladnya ang d magkaroon ng katahimikan kulang pa nga un eh dapat sa kanya makulong dahil sa pambababoy na ginawa nya sa kababaihan, para d na sya 2laran ng iba!

  2. Sobra naman ang iba dito. Napakahirap ninyo magpatawad.Bakit wala ba kayong kasalanan? Pareho na rin kayo ni Katrina… She deserves everything that happened to her. Leave Hayden Kho alone and give him a chance to start fresh!

    • aber paano ma mapapatawad ang isang eto hindi naman humihingi ng kapatawaran.. sabik yan sa publisidad. tama ka deserving ni atrina ang mga nangyari sa kanyang sex life at habang buhay nyang dadalhin hangang may video at youtube hindi pa ba sapat yun para sa kanya. at least gumagawa ng bagay na para maitama nya ang kanyang mali na di tulad ni manyak hayden na paawa awa efect sabik na sabik na makita ang pagmumukha sa tv. big yuksssss

  3. nakakasawa na ang publicity gimik nitong manyak na to…sana lang makulong sa bilibid ito para magawa ng sex video …tignan natin kung ano maramdaman nya pag nakulong at mahayden ko sya at ikatrina sya ng mga maton 10 taon na di nakakatikim ng babae

    • tama yung sinabi ng mga taong tumulong sa kanya dapat hindi pulis ang tinawag kundi 10 mga baklang sanggano para reypin sya at i video saka ipalabas sa youtube para naman matikman nya ang sarili nyang gamot. at kung ano ang pakiramdam ng ginawa nya kay katrina.

  4. kung gusto nya ng katahimikan…wag ng puro pa cute at painterview….imbes na maawa ako sa kanya…dumagdag 2loy ako sa mga taong…asar sa kanya….kulang ata sa pansin eh…may tao bang gusto ng katahimikan pero patuloy nmn sa pagpa2interview…

Leave a Reply

Your email address will not be published.