Hayden Kho, toying with Katrina?

MARAMI ANG NAAWA kay Katrina Halili nang magsalita ito sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Lalong nairita ang karamihan kay Dr. Hayden Kho dahil lumabas ngang inabuso nito ang pagmamahal sa kanya ni Katrina.

Hindi raw niya alam kung ano ang nagawa niya kay Dr. Hayden (na parang Dr. Jekyll and Hyde ang tingin ko sa kanya, ha!) dahil sa ginawa nito sa kanya.

Ang pagkakamali lang daw niya, nagmahal siya sa maling tao na “for fun” lang daw pala ito sa kanya. Kumbaga, pinaglaruan nga lang talaga nito si Katrina.

Wala naman daw itinago si Katrina, inamin niyang lahat ang pagkakamali at pinagdusahan na raw niya ito. Bakit daw hanggang ngayon hindi pa rin siya tinitigilan?

“Oo sige, tanga ako, sabihin na ng mga tao, tanga ako, tanga nga, ‘di ba? Sorry tao lang po ako, nagkamali ako. Sabihin n’yong tanga ako, o sige tanga na nga eh, ‘di ba?” Lumuluhang pahayag ng kontrobersiyal na seksing aktres.

Aminado itong apektado siya nang husto nang lumabas itong sexy video na ito. May mga endorsement daw siyang naapektuhan at wala nga siyang programa ngayon sa GMA 7.

Siguro naman hindi siya pababayaan ng GMA 7. Sa kanya nga napunta ang awa ng lahat dahil lumabas na biktima siya rito.

Wala man lang tayong narinig kay Dr. Hayden na nag-sorry kay Katrina, kundi kay Dra. Vicki Belo lang.

Ang nakakaloka pa, tinawagan pa pala nitong Hayden ang malapit na kaibigan ni Katrina at sinabihan daw na, “Everything is under control.” Nang kumalat na ang video na ‘yun, sinabihan na naman niya itong, “Stay away from the press.”

Hindi naman puwedeng manahimik na lang si Katrina, kaya dapat naman niyang magsalita para maipagtanggol nito ang sarili niya. Ang pagkakaalam daw niya, apat na tao lang ang may hawak nitong video na ito at isa lang sa apat na ‘yun ang naglabas nu’n.

Nu’ng Mother’s Day nga raw, nagpadala itong taong nagkalat ng video sa Mommy ni Dr. Hayden na ikinaloka siyempre nu’ng Nanay.

Sabi ni Katrina, kung hindi pa raw siya titigilan ng mga ito, mapipilitan daw siyang iparating na ito sa korte. Kailangan naman daw niyang lumaban na, dahil sabi pa nga niya, durog na durog na raw siya sa ginagawa ng mga taong ito.

‘Yung video pa lang ni Katrina ang lumabas. Ano kaya ‘pag lumabas ang iba pang pinagkukuha ni Hayden kasama ng iba ring kilalang celebrity? Naku! Deny nang deny ang iba riyan, paano na lang ‘pag lumabas ang video nila?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

13 thoughts on “Hayden Kho, toying with Katrina?

  1. Eh mga sira ulo pala kayong lahat talaga eh. Kung papanoodin mo yung can2tan nung dalawa eh talagang malalaman mo na pakantot yang si katrina.

    Nagkataon lamang na na headline pero kung hinde baka hanggang ngayon kinakantot pa rin siya ng kung sino-sino.

    Ang mahalaga eh meron tayong pinag uusapan he he he. Ang kakapal ng mukha ninyo. Tumingin nga kayo sa salamin at sabihin ninyo sa sarile ninyo kung hinde pa kayo nakakantot? MALILIBOG na NASA LOOB ANG KULO!!!

  2. huwag niyong husgahan sila…dahil wala tayong karapatan, Diyos lang ang may karapatan.

    Biktima din naman si Hayden diba? for sure Wala naman siyang balak na i publish ang baho niya sa publiko diba?!
    pero may kasalanan din siya kasi kinuhanan niya nang video na walang pahintulot ang mga babae na iyon….
    Kung mayroon mang dapat managot dito …yun ay ang taong gustong mang black mail sa kanya o sa kanila….

  3. Maisusumpa mo talaga itong si Hayden Kho.

    Ilan pa kayang babae ang biniktima nito? Isipin na lang yung pagitan ng mga taon na kinuhanan niya ang sex act niya kay Maricar Reyes at Katrina Halili. Ilan pang babae ang ginawan niya ng ganun. Siguro by this time, takot na lahat ng na-involve sa kanya. Malamang may mga nakatago pang video yan. Wala sa matinong pag-iisip ang doktor na ito. Doktor ka pa naman. Maamo ang mukha, mukhang kagalang-galang magsalita at kumilos…sa likod pala nito….demonyo!

    Kay dra Vicky…mag-isip naman siya. May nalalaman pang suicide attempt yang si hayden….may sira talaga…kumukuha lang yan ng simpatiya. Sinasamantala din ni Hayden ang pagka-obsessed ni belo sa kanya.

  4. people this is a tactic kay Katrina good publicity bad publicity is still publicity Boy the manager said it right Abunda .

  5. palagay ko may mental problem din itong si KHO.Natural naman palang mag-alala ang mga anak ni Vicki.Malala na ang topak ni Hayden
    Nakakapagtala lang na hindi makawala si Vicki sa Hayden na ito. Despite ng kamayakan ng lalaki ay habol pa rin si vicki. Toyak mas malaswa ang video ng vicki-hayden

  6. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #65

  7. cguro kaya hinde maiwan ni dr.belo c hyden kasi may video rin sila takot sya na baka lumabas!

    kaya mo yan katrina!

    pag wala na binibigay na trabaho yung 7 lipat ka ng 2!

    ganun lang yun…

    dr. belo matalino ka naman pero bakit ganun hinahayaan mo na gamitin ka ni hyden!

    hello aminin man o hinde mayaman ka lng
    pero kung hinde mayaman naku hinde ka papatulan ni hyden!

    halata naman na pera lng habol nya!

    tangalin mo pera ni dr.belo

    dr.belo o katrina? sa katawan.sa mukha at sa edad!

    hayyyyyyyyyyyyy…….

Leave a Reply

Your email address will not be published.